Kapuso Star, Bagong Host Ng Pinoy Big Brother!

Martes, Abril 16, 2024

/ by Lovely


 Inaabangan na ngayon ng maraming mga manood at netizens ang muling pagbubukas ng bahay ni Kuya o ang Pinoy Big Brother house.


Sa isang Instagram live noong April 5, 2024, inihayag ng ABS-CBN TV-production at Star Magic Head na si Lauren T. Dyogi, ang pagbabalik ng Pinoy Big Brother para sa ika-labing isang regular season nito.


Samantala, sa naganap na finally media conference ng magtatapos na teleserye na Can't Buy Me Love, naibahagi ng isa sa mga naging host ng Pinoy Big Brother na si Robi Domingo na siya ring host ng nasabing media conference ang kanyang excitement ang pagbabalik ng sikat na reality show na Pinoy Big Brother.


Tiniyak rin ni Robi Domingo ang mga pasabog na hatid nito lalo na sa panahon ngayon na nagiging posible na ang mga inakalang imposible noon kagaya na lamang ng pagpapalabas ng Kapamilya show sa Kapuso channel na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na noon pa  ay naging magkaribal na.


Hindi naman masabi ni Robi Domingo kung may katotohanan nga ba ang balitang sa GMA7 na iere ang panibagong seasong ng Pinoy Big Brother at kung sino sa mga Kapuso ang mapapabilang na host ng nasabing reality TV-show.


Sa kabila nito, inihayag naman ni Robi Domingo na walang kaso sa kanya kung magkakaroon ng Kapuso host ang Pinoy Big Brother.


Ayon naman sa mga usap-usapan, magsisimula ang Pinoy Big Brother sa darating na June 2024 at sisimulan na umano ngayong buwan ng Abril ang pagpapa-audition rito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo