Bagong Kanta Ni Shaira Patama Nga Ba Sa Kanyang Mga Bashers

Martes, Abril 9, 2024

/ by Lovely


 Ang Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira Moro ay naglabas ng bagong single na nagpakita ng kanyang transformation matapos siyang sumikat sa buong bansa dahil sa kanyang kantang ‘Selos’ at copyright issues.


Sa kanyang bagong kanta na pinamagatan niyang, "Selos na Yan Friend," na inilabas noong Biyernes, kapansin-pansin ang pagkuha ni Shaira Moro sa ilang mga lyrics mula sa natanggal niyang kanta na "Selos".


Hinala ng maraming mga netizens na sinadya itong gawin ni Shaira para balikan ang kanyang mga bashers, matapos kumalat ang isyung walang pahintulot na ginagamit ng kanyang team ang mga melody ng ibang mga kanta.


Highligted sa music video ng panibagong kanta ni Shaira ang kagandahan ng kanyang pinagmulang bayan, ang Cotabato City.


Ipinakita rin ni Shaira ang kanyang talento sa pagra-rap kasama ng mga lokal na artists ng Bangsamoro.


Kaagad naman itong umani ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa netizens ang bagong kanta ni Shaira Moro.


Karamihan sa kanyang mga tagahanga ay pinuri ang kanyang bagong single, habang ang iba naman ay nagpahayag ng pagdududa patungkol sa originality ng kanta.


Sinubukan pa umanong imbestigahan ng ilang netizens kung kinopya muli ang kanyang bagong kanta mula sa mga artista mula sa ibang bansa.


Matatandaan na umani ng batikos si Shaira sa social media matapos mapansin ng maraming mga netizens na ang melody ng kanta niyang ‘Selos’ay malaki ang pagkakatulad sa kanyang ‘Trouble is a Friend’ ng Australian singer na si Lenka.


Bukod sa kantang selos napansin rin ng mga netizens na ang kanyang kantang "Forever Single" ay kinopya rin mula sa single ng Indonesian Band na Papinka ang kantang "Masih Mencintainya". Habang ang kantang "Babaero" ni Shaira ay kinupya rin umano sa "Lagi Shantik" ni Siti Badriah.


Dahil sa kanyang mga isyu, tinawag din siyang "Queen of Copyright" ng kanyang mga bashers.


Sa kabilang banda, ang ilan sa kanyang mga tagahanga ay naniniwala na si Shaira ay nakakatanggap ng hindi pangkaraniwang batikos mula sa pbliko dahil sa kanyang ethnicity bilang isang Moro.


Hinala pa ng marami na kung sakaling hindi siya isa Moro si Shaira ay tiyak umano na hindi niya nararanasan ang matinding pambabatikos ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo