Kim Chiu Kinilig Sa Pagbisita Ni Oliver Moeller Sa Showtime Live

Martes, Abril 16, 2024

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usap-usapan ang naging 'searchee' kamakailan ng It's Showtime sa segment na Expecially For You na si Oliver Moeller dahil sa muling pagbisita niya sa show ilang araw matapos ang pagsalang niya sa nasabing segment.


Si Vice Ganda ang unang nakapansin kay Oliver Moeller sa audience, kaagad naman itong nagbiro kung si Kim Chiu ba ang dinadalaw nito sa It's Showtime.


Kaagad naman itong umani ng reaksyon mula sa mga netizens na pumabor sa tambalan ng dalawa. Gayunpaman, hindi ito ikinatuwa ng mga KimPau fans at nagbanta pang ibo-boycott nila ang It's Showtime kung sakaling maging totohanan ang relasyon nina Kim Chiu at Oliver Moeller.


Kalaunan ay napag-alaman na may ginawang endorsement si Oliver Moeller sa Manila kaya sumaglit na lamang ito para makapanood sa It's Showtime.


Matatandaan na marami ang kinilig ng ibahagi ni Oliver Moeller sa kanyang social media ang larawan nila ni Kim Chiu sa dressing room ng It's Showtime.


Kaagad naman na napansin ng maraming mga netizens ang pagkakaroon ng malakas na chemistry ng dalawa at tila tinadhana rin umano dahil pareho silang nagmula sa Cebu City.


Dahil dito, may mga naglabas ng payo kay Kim Chiu na si Oliver Moeller na lamang ang i-entertain kung sakaling manligaw ito sa kanya dahil tila wala umanongg swerte si Kim Chiu sa mga lalaking nagmula sa showbiz industry.


Sa kabilang banda, umangal naman ang mga solid KimPau fans dahil naniniwala rin sila na ang perfect partner para kay Kim Chiu ay walang iba kundi si Paulo Avelino.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo