Detalye Sa Nangyari Sa It'S Showtime Host Cianne Dominguez, Ipinakilala na Ang May Kagagawan

Biyernes, Abril 12, 2024

/ by Lovely


 Nakatanggap ng pagsuporta mula sa kanyang mga tagahanga ang host ng It’s Showtime na si Cianne Dominguez matapos umanong sundan siya ng isang lalaki at tangkaing pasukin sa kanyang condominium unit.


Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Lance Escober ang larawan ng suspek, na kinilalang si Shervey Torno, na kilala rin bilang Ronnie Gray.


Ayon kay Lance Escober, sinundan ni Shervy Torno si Cianne Dominguez sa kanyang condo unit at naging touchy ang lalaki sa television host.


Sa ngayon ay nasa kustodiya na umano ng mga awtoridad si Shervy Torno.


Gayunman, sinabi ni Lance Escober na hindi nagpakita ng pagsisisi ang suspek matapos niyang gawin ang nasabing aksyon laban sa It’s Showtime host.


Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang post, at sinabi ng ilan sa kanila na hihintayin muna nila ang resulta ng imbestigasyon bago magbigay ng kanilang komento.


May mga nagsasabi rin na dapat munang malaman ang buong katotohanan sa pangyayari bago magbigay ng mga komento na maaaring ikasira ng buhay ng isang tao.


Subalit kaagad itong sinagot ni Lance Escober ang mga taong nagdududa sa kanyang kwento, aniya, “tf u mean conclusions? my friend experienced everything firsthand. that mf wouldn’t escape like a marathoner if he wasn’t guilty of anything. you think everything’s made up? that’s exactly why some victims are afraid to speak up. bec of u who invalidate victim’s experiences.”


Kinumpirma naman ng pamilya ni Cianne Dominguez ang buong pangyayari sa pamamagitan ng isang Facebook post ng ama nito, kung saan isiniwalat ang buong detalye sa nangyari kay Cianne.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo