Jackie Gonzaga Sinugod Si Shervey Torno Sa Kulungan Matapos Makarating Ang Ginawa Kay Cianne Dominguez!

Biyernes, Abril 12, 2024

/ by Lovely


 Kaagad na sumugod sa presinto ng mga police ang It's Showtime host na si Jackie Gonzaga nang mapag-alam niya ang nangyari sa kanyang kasamahan na si Cianne Dominguez.


Kinumpronta ng It's Showtime host na si Jackie Gonzaga, ang lalaking may balak na pagsamantalahan si Cianne Dominguez na nakilala sa pangalan na si Shervy Torno.


Mismong ang kapatid ni Cianne Dominguez ang nagbahagi ng recorded audio kung saan maririnig ang komprontasyon sa pagitan ng salarin at ng magkaibigang sina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez sa Police station matapos madakip si Shervey Torno.


Maririnig sa nasabing audio na tinanong ni Jackie si Shervy kung ano ang ginawa nito kay Cianne. Itinanggi naman ni Shervy na may balak siyang masama sa host dahil bukas naman umano ang pinto at hindi niya ito tinulak. Inilahad pa ng lalaki na isa lamang siyang fan ni Cianne.


Samantala, nagbigay ng detalyadong kwento ang kapatid ni Cianne Dominguez patungkol sa nasabing insidente.


Taliwas sa unang kwento ng ama ni Cianne, hindi nakapasok sa unit ng dalaga ang salarin dahil nailock na si Cianne ang claw guard ng pinto, hindi rin umano nito nahalikan ang dalaga subalit totoong nahawakan ng lalaki ang beywang nito.


Ayon sa kwento ng kapatid ng It's Showtime host, pagpasok ni Cianne sa unit niya, may kumatok. Sinilip naman umano ito ng dalaga. Doon na nakita nito ang lalaki na nagtanong kung ano ang name niya.


Bilang isang noontime artist, maayos naman umanong sinagot ni Cianne ang lalaki dahil nasasanay na ito na may nagtatanong sa kanyang pangalan. Para umano sa kay Cianne ay normal na lamang na may mga taong magtatanong ng kanyang pangalan dahil nasa showbiz industry naman siya.


Matapos umanong sumagot ni Cianne ay nilock na ni Cianne ang pinto, ginamit na umano ng kanyang kapatid ang triple lock ng unit. Kalaunan ay may kumatok na naman, muli din umano itong pinagbuksan ni Cianne subalit nanatiling nakalock ang claw guard.


Muling nakita ni Cianne ang lalaki. Sa pagkakataong ito ay hiningi na ng lalaki ang Facebook account ng dalaga, subalit tumanggi na si Cianne dahil may nararamdaman na siyang kakaiba sa lalaki.


Kinumpronta pa umano nito ang lalaki dahil nakita ni Cianne na ang wallpaper sa cp nito ay isang babae na pinaghihinalaan niyang karelasyon nito.


Subalit, hindi umano nagpatinag ang lalaki ay nag-ask na hahalikan na si Cianne.


Dagdag pa nito, dahil hindi naman basta-basta na mabubuksan ang pinto dahil secure ito ng claw guard, hinarang ng lalaki ang kanyang paa para hindi tuluyang maisara ang pinto.


Dito na umano hinila ng lalaki sa bewang si Cianne at nagtangka nang halikan ang dalaga.


Tila naalerto naman ang lalaki sa pagsigaw ni Cianne kaya napatakbo na ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo