Katotohanan Sa Pag-Amin Ni Annabelle Rama sa Relasyon Nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez

Biyernes, Abril 12, 2024

/ by Lovely


 Binalaan ni Ruffa Gutierrez ang kanyang mga fans tungkol sa pekeng quote na kumakalat sa social media na kinasangkutan ng kanyang ina na si Annabelle Rama.


Ang post ay in-upload ng isang Facebook page na kilala sa pag-post ng mga pekeng pahayag mula sa mga celebrity.


Sa nasabing mga post, pinalabas ng gumawa ng page na si Annabelle Rama ay umamin na magkasama ang anak na si Richard Gutierrez at aktres na si Barbie Imperial noong Holy Week.


Ang isa pang post ay patungkol naman sa isang pekeng quote tungkol sa pagpuna ni Annabelle Rama sa pagkain ni Sarah Lahbati kasama ang kanyang kaibigan sa Hong Kong.


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ruffa na may 'peace' sa pagitan ng dalawang pamilya sa ngayon at hiniling sa mga netizen na itigil na ang pagpapakalat ng mga pekeng pahayag sa social media.


Marami naman sa mga fans ni Ruffa Gutierrez ang humiling na dapat nitong panagutin ang mga taong nagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa kanilang pamilya.


Matatandaang nagkaroon ng parinigan sa social media, sa pagitan nina Annabelle Rama at Sarah Lahbati, ngunit hindi direktang binanggit ng dalawa ang isa't isa.


Ang nasabing mga post ay parehong deleted na ngayon sa Facebook page ni Annabelle Rama.


Maging ang pamilya ni Sarah Lahbati ay nagbabahagi rin ng mga misteryosong post na ispekulasyon ng ilang netizens bilang mensahe ng pamilya Lahbati laban kay Annabelle Rama.


Sa ngayon ay patuloy naman nananahimik si Richard Gutierrez sa mga kinasasangkutang isyu ng kanyang pamilya at sa hiwalayan nila ni Sarah Lahbati.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo