Dennis Padilla Namaalam Na Sa Mga Anak! May Malubha Nga Bang Sakit?

Miyerkules, Abril 17, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang tila pamamaalam umano ni Dennis Padilla sa kanyang mga anak.


Dahil dito, marami ang naghinala na may iniindang karamdaman si Dennis Padilla kaya ngayon pa lang ay namamaalam na siya sa kanyang mga anak.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maganda ang relasyon nina Dennis Padilla sa kanyang mga anak sa dating asawa na si Marjorie Barretto.


Sa kamakailang episode ng YouTube vlog na TikTok with Aster Amoyo, kinapanayam nito si Dennis Padilla upang magbigay ito ng update sa kanyang buhay.


Kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang patungkol sa relasyon ni Dennis Padilla sa kanyang mga anak at ang relasyon ng kanyang mga anak sa isa't-isa.


Ayon kay Dennis Padilla, maayos naman ang relasyon ng kanyang mga anak sa isa't-isa. Naihayag rin ni Dennis Padilla ang kanyang habilin para sa mga ito.


Ayon kay Dennis Padilla, maliliit pa lamang ang kanyang mga anak ay palagi na niya silang pinagsasabihan na huwag i-consider ang isa't-isa bilang half-brother o half-sister.


Inihabilin rin ni Dennis Padilla na dapat na magtulungan ang kanyang mga anak sa isa't-isa hindi man takda subalit alam umano niyang mauuna siyang mawala sa mga ito dahil sa kanyang edad na rin.


Ibinilin din umano ni Dennis Padilla sa kanyang mga anak na huwag pabayaan ang mga kanilang mga kapatid na hindi nakaangat sa buhay. Hindi na umano dapat pa nilang paghintayin ang mga kapatid na nangangailangan ng tulong.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na tatlong babae ang dumaan sa buhay ni Dennis Padilla sina Monina Gatus, Marjorie Barretto at Linda Gordon.


Sina Julia, Claudia at Leon ay anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto, nagkaroon naman siya ng anak kay Monina Gatus na sina Dianne at Luis, habang may dalawang anak rin siya kay Linda Gordon na sina Gavin at Maddy.


May mensahe rin si Dennis Padilla para sa mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay, nagpapasalamat siya sa mga ito at humingi na rin ng kapatawaran sa kanyang nagawang pagkakamali.


Tanging hiling na lamang ngayon ni Dennis Padilla na nasa maayos ang kanyang mga anak kahit hindi na niya ito nakakasama.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo