Binabatikos Ang Aktor Na Si Seth Fedelin Matapos Gawin Ang Bagay Na Ito Kay Andrea Brillantes!

Miyerkules, Abril 17, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang aktor na si Seth Fedelin, matapos mapansin ng maraming mga netizens ang paglike nito sa isang hate comment para kay Andrea Brillantes.


Umano ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang aktor na si Seth Fedelin dahil sa kanyang ginawa sa social media.


Kaagad na napansin ng maraming mga netizens at napag-uusapan sa social media ang pag-like ni Seth Fedelin sa isang hate comment laban sa kanyang ex-girlfriend at dating ka-loveteam na si Andrea Brillantes.


Ang komento ay nagmula sa isang video na kuha sa isang vlog ni Andrea Brillantes na may pamagat na "SAMGYUP WITH ALI," na na-upload noong Oktubre 7, 2021.


Tampok sa nasabing vlog ang dating magkapartner na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes na kumakain sa isang samgyupsal.


Makikita sa video ang pagbibiro ni Seth Fedelin sa pagiging kaliwete ni Andrea Brillantes, "Mga kaliwete kasi nangagaliwa, e."


Kumakalat naman ngayon ang komento ng isang netizens sa nasabing vlog dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas, kung saan binabatikos nito si Andrea Brillantes.


Ayon sa komento ng netizen, hindi bagay si Andrea sumama sa mga bagong young stars. Dahil si Andrea Brillantes ay isang bold star na nauugnay sa maraming lalaki sa iba't ibang mga sexual relationship.


Makikita sa mga kumakalat na screenshot na nakalike si Seth Fedelin sa nasabing komento, kaya naman marami ang nagsasabi na tila nagiging hater na rin ni Andrea Brillantes si Seth Fedelin.


Gayunpaman, may mga fans parin naman ng aktres ang nagtatanggol sa kanya dahil hindi naman umano nararapat na hayagang ipakita ni Seth Fedelin ang kanyang pagkakadisgusto kay Andrea Brillantes.


May mga naghinala naman na ang admin ng YouTube channel ni Seth Fedelin ang naglike sa komento dahil naniniwala silang hindi ito magagawa ni Seth Fedelin dahil sa pananahimik nito sa kalagitnaan ng isyung pagkakaugnay ni Andrea Brillantes sa aktor na si Daniel Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo