Atty. Oliver Moeller Nagsalita Na Sa Panliligaw Niya Kay Kim Chiu Matapos Bumisita Sa Showtime!

Miyerkules, Abril 17, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na ng pahayag ang It's Showtime ex-searchee na si Oliver Moeller sa mga naglabasang haka-haka ngayon patungkol sa kanyang totoong intention sa pagpunta sa It's Showtime nitong April 16, 2024.


Marami sa mga netizens ang naghinala na nanliligaw na si Atty. Oliver Moeller sa actress-host na si Kim Chiu base na rin umano sa panunukso ni Vice Ganda nang mapansin nitong nasa audience si Oliver Moeller.


Ikinagulat ng maraming mga netizens ang biglaang pagpunta ni Oliver Moeller sa It's Showtime, kaagad naman itong tinukso ni Vice Ganda na kung si Kim Chiu ba ang dinadalaw nito sa show.


Marami naman ang kinilig sa naging pagbisita ni Atty. Oliver sa It's Showtime lalo na ang mga nagsi-ship sa dalawa dahil hindi naman umano maitatanggi ang chemistry ng dalawa.


Samantala, sa isang interview kay Oliver Moeller, inilahad niya na totoong nagagandahan siya kay Kim Chiu. Hindi naman tahasang sinagot ni Oliver Moeller ang katanungan kung nanliligaw na ba siya ngayon kay Kim Chiu.


Hindi naman umano maganda na pag-usapan ang ligawan part nang walang permiso mula kay Kim Chiu.


Kaagad namang napataas ang kilay ng ilang mga netizens sa kung bakit kailangan pang humingi ng permiso kay Kim Chiu si Oliver Moeller, nangangahulugan na ba ito na mayroon na silang napag-usapan?


Gayunpaman, ayon sa hinala ng ilang mga netizens, na parang sinusuyo pa umano ni Oliver Moeller si Kim Chiu na pumayag na magpaligaw sa kanya.


Buong pahayag ni Oliver Moeller, "I've always thought Kim was a pretty person, also from Cebu so I guess you cansay that. I don't think it's fair that I speak about that without her permission. Sorry, I hope you understand. Kim is pretty nice."


Dagdag pa niya,"I just want to meet some friends want to thank some people and Showtime ABS-CBN for inviting me. It's been crazy, overwhelming, I'm just happy for everything that's happened."


"It's been crazy overwhelming. I never thought that people would actually watch that. I just do it for fun just putting out content out there. It's just like expanding my network, expanding my connections. Maybe looking  for some things in Manila I am actually considering into, partly the reason why I'm here."


Hindi naman ito nagustuhan ng mga tagasuporta ng KimPau dahil lumalabas umano na nagpapatrending lamang si Oliver Moeller at halata naman umanong nagbabalak itong maging artista kaya naman ganoon na lamang ang paraan ng pagsagot nito.


Confident naman din umano sila na hindi i-entertain ni Kim Chiu ang panliligaw ni Oliver Moeller dahil alam naman ng aktres na maaring gamitin lamang siya nito para makapasok sa industriya ng showbiz.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano kasikat ngayon si Kim Chiu at pinag-uusapan ang kanyang lovelife.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo