Janella Salvador Nagsalita Sa Isyu Sa Its Showtime, Kim Chiu at Vice Ganda Imbiyerna!

Biyernes, Abril 5, 2024

/ by Lovely


 Mainit pa ring pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms ang aktres na si Janella Salvador matapos makatanggap ng pambabatikos mula sa mga fans ng aktres na si Kim Chiu dahil sa pagbibiro nito noong naging guest ito sa It's Showtime.  


Marami sa mga fans ni Kim Chiu ang hindi nagustuhan ang tila pabalang na sagot ni Janella Salvador sa actress-host nang humingi ito ng sample sa panibagong kanta ni Janella Salvador.


Tumangging magbigay ng sample si Janella Salvador dahil paos umano ito, sinabi pa nito na Kim Chiu nalang ang magbigay ng sample.


Sa gitna ng mga natatanggap na pambabatikos ni Janella Salvador may mga tagahanga naman siya ng aktres ang nagtatanggol rito.


Ayon sa mga fans ni Janella Salvador bakit ngayon pa na-ooffend ang mga fans ng It's Showtime gayung ganito naman ang biruan ng mga It's Showtime hosts na pinangungunahan ni Vice Ganda.


Matatandaan na naging guest sina Janella Salvador at ang katambal niyang aktor sa Under Parallel Skies na isang thai aktor na si Wen Metawin.


Ayon pa sa ilang mga fans ni Janella Salvador na pinapalabas umano ng mga fans nina Vice Ganda na sila lamang ang may karapatan na magbiro ng nakaka-insulto subalit hindi umano ito maaring gawin ng ibang mga artist sa kanila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo