Eat Bulaga Ng TVJ Lilipat Na Sa Mas Malaking Stadium Sa Kabila Ng Issue Na Nalulugi

Biyernes, Abril 12, 2024

/ by Lovely


 Sa gitna ng mga usap-usapan patungkol sa pagkakalugi umano ng TVJ Productions dahil ilang buwan na rin umanong negative ang earnings ng Eat Bulaga, may mga naglabasang ulat patungkol sa paglilipat umano ng kanilang show sa mas malaking studio.


Sa kabila ng mga naglabasang mga spekulasyon ng ilang mga netizens patungkol sa pagkakalugi umano ng Eat Bulaga dahil sa negative earnings nito sa mga nakaraaan buwan at sa paglipat na rin ng It's Showtime sa main  channel ng Kapuso Network, patuloy pa ring naninindigan ang mga Dabarkads na hindi sila apektado.


Sa katunayan ay malapit na umano silang lumipat sa kanilang panibagong studio na mas malaki at mas maaliwalas.


Nag-ugat ang mga usapin ito bago paman lumipat ang It's Showtime sa GMA7 at lalo pa itong umingay nang lumabas ang datos kung saan nakakuha ng mas mataas na ratings ang It's Showtime kaysa sa Eat Bulaga sa araw ng paglipat ng It's Showtime sa GMA.


Ayon sa ilang mga naglabasang mga balita kung patuloy na matatalo ng It's Showtime ang Eat Bulaga pagdating ratings ay tiyak na ipapatigil umano ni Manny Pangilinan ang pag-ere ng show na pinangungunahan ng TVJ na Eat Bulaga.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng opisyal na pahayag ang legendary trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon, maging ang chairman ng TV5 na Manny Pangilinan patungkol sa isyung ito.


Dahil dito, naniniwala ang mga solid fans ng TVJ na pawang paninira lamang sa kanilang mga idolo ang pinapakalat ng mga fans ng kabila.


Ipinunto rin nila na hindi naman nangangahulugan na natalo na ng It's Showtime ang Eat Bulaga sa ratings noong nakakuha ang It's Showtime ng mas mataas kaysa sa show ng TVJ noong unang araw nila sa GMA7 dahil sa unang araw pa naman umano iyon at hindi pa sigurado kung ,mapanatili ng It's Showtime na makakakuha ng mas mataas na ratings kaysa sa Eat Bulaga.


Samantala, usap-usapan naman ngayon ng ilang mga Eat Bulaga fans na hinahanda na umano ni Manny Pangilinan ang Meralco Theater para maging panibagong studio ng Eat Bulaga para ma-accommodate ang mas marami pang audience dahil nagsisiksikan na umano sa dati nilang studio.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo