Xyriel Manabat Statement about Fame Sapul Si Andrea Brillantes

Huwebes, Pebrero 8, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang sagot ni Xyriel Manabat sa kamakailang interview sa kanya.


Sa nasabing panayam, naitanong kay Xyriel kung natatakot ba itong malaos at hindi na tangkilikin ng mga manonood at fans sa kanyang pagbabalik sa showbiz.


Kaagad naman itong sinagot ni Xyriel na mula noong bata siya ay hindi umano pinapasok sa kanyang utak ang kasikatan. Hindi rin umano niya iniisip na mas sikat siya sa ibang mga kasamahan niya at mga kasabayan sa larangan ng pag-arte.


Iginiit din niya na hind ang pagsikat ang priority niya sa pagpasok sa showbiz industry. Pumasok umano siya sa industriya dahil gusto niyang umarte at magbigay buhay sa mga karakter na kanyang gagampanan.


Gusto rin umano ni Xyriel na makasama sa trabaho ang iba't-ibang mga artista at matuto ng panibagong kaalaman mula sa mga ito. Kaya naman hindi siya natatakot kung may nanonood pa ba sa kanya, kung may nakakakilala pa rin sa kanya, dahil hindi naman umano ang pagsikat ang dahilan ng kanyang pagiging artista kundi ang paglinang at pagbabahagi ng kanyang talents.


Matapos kumalat ang naging pahayag na ito ni Xyriel Manabat sa isang panayam, binalikan ng ilang mga netizens ang sinabi noon ni Andrea Brillantes sa isang interview.


Kung saan inamin niya na naiyak siya nang naunahan pa siya sa mga baguhang artista na sumikat. Ayon sa mga netizens, talagang napakalaki ng ipinagkaiba nina Andrea Brillantes at Xyriel Manabat pagdating sa kanilang mindset at pag-uugali.


Kamakailan lamang ay nagkasama sa iisang teleserye sina Xyriel Manabat at Andrea Brillantes sa Kapamilya hit series na Senior High, kung saan naging  maayos naman ang kanilang pagkakaibigan.



@altstarmagic_ “Hindi naman po yung fame yung pinag-artistahan ko, kundi yung talent ko. Hindi naman po ako nag-audition nang ang audition ko kung paano magpapicture, paano pumunta sa isang interview, paano pumunta sa isang mall show, ang pinag-audition ko ay paano umarte” SLAY XYRIEL!!!! MGA STARLET PLEASE TAKE SOME NOTES 💁🏻‍♀️ | @ABS-CBN @ABS-CBN PR @starmagicphils #XyrielManabat #Xyriel #Roxy #RoxChie #SeniorHigh #DirtyLinen #StarMagic #TatakStarMagic #ABSCBN #Kapamilya #ForeverKapamilya #KapamilyaForever #foryou #foryoupage #fyp ♬ original sound - AltStarMagic

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo