Pulitikong Boss Ni Dominic Roque Pinaiimbestigahan Narin! Sangkot Sa Hiwalayang Bea at Dominic?

Huwebes, Pebrero 8, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa online ang mga pinaghihinalaang dahilan sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque, ang pagkakasangkot ng isang mayamang pulitiko na itinuturong nakarelasyon noon ng aktor.


Bukod pa rito, may mga naglabasan ring isyung kung saan sinasabing sangkot din si Dominic Roque sa ilang mga illegal na gawain dahilan ng marangyang lifestyle nito kahit wala naman itong mga projects sa showbiz.


Tila unti-unti nang nasisira ang pangalan ni Dominic Roque, matapos magsilabasan ang mga isyu patungkol sa kanya mula nang maghiwalay sila ni Bea Alonzo.


May mga naglabasang isyu kung saan pera lamang umano ang habol ni Dominic Roque kay Bea Alonzo at ginagamit lamang umano nito ang aktres financially dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging mapera nito.


Hindi rin umano pumayag si Dominic Roque sa pagpapaperma sa kanya ng prenuptial agreement ng pamilya ni Bea Alonzo.


Lalo pang nakatanggap ng pambabatikos si Dominic Roque nang isiwalat ni Manay Cristy Fermin sa kanyang kamakailang vlog ang patungkol sa illegal umanong negosyo ni Dominic Roque.


Ayon pa kay Cristy Fermin, nakatira umano itong si Dominic Roque sa isang mamahaling condo unit na maging ang ilang mga kilalang personalidad sa showbiz ay hindi maafford.


Dahil dito, marami umano ang nag-iimbestiga kung ano ang totoong trabaho ni Dominic Roque gayung hindi naman umano ito nabibigyan ng mga proyekto sa industriya ng showbiz.


Bukod pa rito, isiniwalat din ni Cristy Fermin na ang condo unit na tinitirhan ni Dominic Roque ay hindi naman pala nakapangalan sa kanya kundi sa isang controversial na pulitiko.


Hindi naman pinangalanan ni Cristy Fermin, kung sino ang tinutukoy niyang pulitiko dahil mas maigi umano na manggaling mismo mula sa kampo ni Dominic Roque kung sino ang pulitiko na tinutukoy nila.


Hindi naman umano kaagad na naniwala si Cristy Fermin sa mga isyung binabato kay Dominic Roque dahil ipinaglalaban niya na may pinagmulan naman ito at mayroong sariling negosyo.


Samantala, marami pa rin naman sa mga netizens ang nagtatanggol kay Dominic Roque at naniniwalang walang katotohanan ang mga isyung ibinabato rito. Pawang paninira lamang umano ito ng kampo ni Bea Alonzo para si Dominic ang sisisihin sa nangyaring hiwalayan nila ni Bea Alonzo.


Marami rin ang nagpupunto na nagiging pattern na umano na sa tuwing nakikipaghiwalay si Bea Alonzo ay palaging nagkakaroon ng isyu ang kanyang mga ex kung saan ang mga ito ang sinisisi sa hiwalayan na nangyari.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo