Kathryn May Bagong Post Sa Ig Story Sinabayan Pa Ng Cryptic Caption Ni Mommy Min Hardest Goodbye!

Huwebes, Pebrero 8, 2024

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang kamakailang post ng aktres na si Kathryn Bernardo at ang makahulugang caption ni Mommy Min Bernardo patungkol sa hardest goodbye.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may isyu pa rin sa nangyaring hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos ang mahigit isang dekada nilang relasyon.


Hindi matapos-tapos ang isyung ito dahil hanggang ngayon ay nanatiling tikom ang bibig ng dalawa patungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Sa kabila nito, marami ang naniniwala na ang panloloko ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo ang pangunahing dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil ang cheating ang kadalasang dahilan ng paghihiwalay ng magkakarelasyon.


Bukod pa rito, naglabasan rin ang mga pangalan ng babae na itinuturong kalandian ni Daniel Padilla sa likod ni Kathryn Bernardo at sa tuwing abala ang aktres sa kanyang mga trabaho sa showbiz.


Samantala, patuloy naman na nakakatanggap ng papuri si Kathryn Bernardo dahil lalo umano itong gumaganda at nagboblooming ngayong naghiwalay na sila ni Daniel Padilla.


Matapos ang 11 years ay nakalaya na rin umano ito sa sakit ng kanyang ulo na may pangalang Daniel Padilla. Marami rin ang nakakapansin na nagiging malaya na rin umano ngayon si Kathryn Bernardo sa paggawa ng mga gusto niyang gawin, pagsama sa mga gusto niyang kaibigan at pagsusuot ng mga damit na gusto niya.


Sa ngayon ay patuloy naman ang pagbuhos ng blessings kay Kathryn Bernardo, nakakatanggap ngayon ang aktres ng kabi-kabilang mga product endorsements mula ng maghiwalay sila ni Daniel Padilla.


Bagama't makikita naman na hindi pa talaga tuluyang nakakalimot si Kathryn Bernardo sa nakaraan nila ni Daniel Padilla makikita naman ang kanyang effort para maging masaya sa paghihiwalay nila ng landas.


Gayun naman talaga, sa una mahirap ang maglet go subalit pagdating ng araw ay babalikan na lamang ng aktres ang masasakit at mahihirap na pinagdaanan na may ngiti sa labi dahil nalampasan niya ang lahat ng mga pagsubok sa buhay na naging dahilan para lalong tumatag ang kanyang loob.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo