Wedding Ni Bea Alonzo at Dominic Roque Nakakalula Pala Ang Plano at Budget!

Miyerkules, Pebrero 7, 2024

/ by Lovely


 Matapos kumpirmahin ng King of Talk na si Boy Abunda ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque, naglalabasan na ngayon ang taong dapat ay makakasama nila sa kanilang wedding prenup video.


Una nang naglabas ng pahayag ang videographer na si Carlo Torio, kung saan inilahad niyang plano sana nina Bea Alonzo at Dominic Roque na kunan ang kanilang prenup video sa Asia at Europe, makakasama naman ni Carlo ang art director na si JF Calipag.


Ayon naman rito sa art diretor na nakagawa na umano siya ng magandang tula patungkol sa pag-iibigan ng dalawa. Inilahad pa nito na masaya siyang malaman ang kwento ng dalawa at nagagalak siya sa paggawa ng tula mula rito.


Ipinahayag pa niya na parehong totoong tao ang dalawa sa kabila ng pagiging malaking tao ng mga ito sa industriya ng showbiz.


Samantala, malaking palaisipan pa rin hanggang ngayon sa mga fans nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil sinasabi naman ng mga malalapit sa kanilang dalawa na totoong mahal nila ang isa't-isa.


Sinabi pa ng isang tao na malapit sa dalawa na totoong gustong-gusto nina Bea Alonzo at Dominic Roque na magpakasal na. Kaya naman hindi lubos maisip ng kanilang m,ga fans kung ano ang totoong nangyari.


Naniniwala naman ang mga netizens na maaayos pa nina Dominic Roque at Bea Alonzoa ng kanilang relasyon. Iniisip nila na may hindi pagkakaunawaan lamang sa pagitan ng kani-kanilang pamilya kaya naudlot ang pagpapakasal ng mga ito.


Matatandaan na unang napansin ng mga netizens na mayroon nang hindi tama sa relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque nang mapansin ng mga ito na hindi na sinusuot  ni Bea Alonzo ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Dominic Roque.


Nasundan ito ng mapansin ng maraming fans nilang dalawa na hindi na sila nagkakasama sa mga special events. Wala na rin silang ibinabahaging update na magkasama at hindi na rin nila nila-like ang mga post ng isa't-isa.


Ayon naman sa pagsisiwalat ni Boy Abunda, wala na umano sa kay Bea Alonzo ang engagement ring dahil isinauli na ito ng akres kay Dominic Roque.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo