Sarah Lahbati Ipinakita Ang Pagkakaibigan Nila Ni Kathryn Bernardo at Miles Ocampo!

Huwebes, Pebrero 1, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang kuhang larawan kung saan magkasama sina Sarah Lahbati, Kathryn Bernardo at Mile Ocampo.


Marami sa mga fans ang nagsasabing nagkakasama sa iisang larawan at tila naging magkaibigan ang mga babaeng nahiwalay sa kanilang mga karelasyon nitong nagdaang taon.


Unang naiulat ang hiwalayan ni Miles Ocampo at Elaijah Canlas, sinundan naman ito ng balitang naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa gitna ng mga usaping ito, umuugong na rin ang mga usap-usapang naghiwalay na rin ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Sa kabila naman ng pinagdaanan nilang break up, tila nakatagpo naman sila ng kaibigan kung saan masasabihan nila sa kani-kanilang mga nararamdaman at magiging karamay dahil pare-pareho sila ng nararamdaman.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram stories ang masayang larawan nila nina Kathryn Bernardo at Miles Ocampo. Kasama rin nila ang iba pang celebrities kabilang na sina Sofia Andres at Bea Alonzo.


Samantala, kahit hindi pa naman hayagang inamin ni Sarah Lahbati ang kanilang hiwalayan ni Richard Gutierrez, marami na ang naniniwalang positibo na ito dahil bukod sa hindi na nila pagsasama ni Richard Gutierrez, ilang beses na rin silang nagkasagutan ni Annabelle Rama.


Masaya naman ngayon ang lang mga fans nina Sarah Lahbati, Kathryn Bernardo at Miles Ocampo dahil tila masaya na ang mga ito at nakapag-move on na mula sa masalimoot na pinagdaanan sa buhay pag-ibig.


Tuloy-tuloy pa rin naman ang kanilang mga showbiz career bilang makikinang na bituin sa industriya ng showbiz. Si Miles Ocampo ay abala sa kanyang pagiging host sa Eat Bulaga at ilang mga project.


Muli na ring naging active sa showbiz si Sarah Lahbati matapos ang ilang taong pamamahinga sa showbiz mula nang maging mag-asawa sila ni Richard Gutierrez.


Habang si Kathryn Bernardo ay napapabalitang pipirma muli ng kontrata sa Star Magic at may nakalinya na ring mga projects na gagawin ngayong taon.


Tila hindi na umano iniisip ng tatlo ang kani-kanilang mga nakaraan at nagpopokus na lamang sa kanilang hinaharap kasama ang mga taong totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo