Netizens, Nababahala Sa Relasyon Nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Biyernes, Pebrero 2, 2024

/ by Lovely


 Ikinabahala ng ilang mga netizens ang kanilang mga napapansin sa relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos mapansin ng mga netizens na hindi na umano nagbabahagi sa kani-kanilang social media ng mga larawang magkasama.


Kung bibisitahin ang Instagram account ni Dominic Roque makikitang ang huling update niya na kasama ang fiancee na si Bea Alonzo at mga aso. 


Samantala, makikita naman sa Instagram account ng aktres na ang huling update niya kasama si Dominic Roque ay noon pang January 8, 2024 kung saan naging highlight naman nito ang pagbabakasyon nila sa Japan.


Nababahala na ang ilang mga tagahanga ng dalawa dahil bukod sa wala silang mga ibinabahaging larawan na magkasama, hindi na rin umano nila nila-like ang ilang mga updates nila sa social media.


May mga nakapansin rin umano na hindi na sinusuot ni Bea Alonzo ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Dominic Roque.


Hindi naman masisisi ang ilang mga netizens na mag-isip ng kung ano-ano dahil na rin sa mga nagdaang break-ups ng ilang mga celebrity couples kung saan bigla na lamang hindi nagpopost ng mga larawan sa social media nang magkasama.


Una na rito ay ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sinundang ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Gayundin naman ang nangyari sa hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.


Samantala, naghinala naman ang ilang mga fans nina Bea Alonzo at Dominic Roque na baka may nangyaring tampuhan sa pagitan ng dalawa na normal naman na nangyayari sa isang relasyon.


May mga nagtatanggol naman sa celebrity couple kung saan inilahad nila na baka abala lamang ang mga ito sa pag-aasikaso sa nalalapit nilang pagpapakasal.


May mga napapatanong naman kung naroon ba si Bea Alonzo sa birthday celebration ng ina ni Dominic Roque dahil wala naman silang ibinahaging larawan na magkasama noon.


Subalit, ayon sa ilang mga netizens na baka binibigyan lamang ng dalawa ng pagkakataon ang isa't-isa na makasama ang kani-kanilang mga kaibigan dahil malilimitahan na ang lahat ng ito pagkatapos ng kanilang kasal.


Sa kabilang banda, wala pa namang opisyal na pahayag na inilalabas sina Dominic Roque at Bea Alonzo hinggil sa nasabing isyu. Dalangin na lamang ng kanilang mga fans na sana ay maayos ang kanilang relasyon at totoong abala lamang sila sa ibang mga detalye sa nalalapit nilang kasal.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo