Pamilya Ni Bea Alonzo Pinaiimbestigahan Si Dominic Roque Sa Kayamanan Nito

Biyernes, Pebrero 9, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga isiniwalat ni Manay Cristy Fermin sa kanyang kamakailang vlog na pinapaimbistigahan umano ng pamilya ni Bea Alonzo si Dominic Roque bago ang kasal.


Naging laman ng mga ulat ngayon ang ginawang hakbang ng pamilya ni Bea Alonzo laban sa dating fiancee nito na si Dominic Roque. 


Sa kamakailang  episode ng YouTube vlog nina Cristy Fermin, inilahad niyang pinapaimbestigahan ng pamilya ni Bea Alonzo si Dominic Roque dahil sa nakakagimbal na balitang nakarating sa kanila patungkol sa aktor.


Idenitalye pa ni Cristy Fermin ang tsikang ibinahagi sa kanya ng kanyang source, tungkol sa totoong estado ng buhay ng aktor.


Ayon sa pagkukwento ni Cristy Fermin , pinapaimbestigahan ng mga magulang ni Bea Alonzo kung ano ang totoong trabaho ni Dominic Roque at kung ano ang negosyo nito.


May mga kumakalat rin kasing mga bali-balita isang monkey business ang negosyo ni Dominic Roque. May mga nagsasabi rin na tila nauntog na umano si Bea Alonzo at nagising na sa katotohanang bulsa lamang niya ang mabubutas sa pagpapaasal niya kay Dominic Roque.


Napag-alaman din kasi ng mga netizens na sa tuwing nagdidate sina Bea Alonzo at Dominic Roque ay si Bea ang siyang palaging gumagasos. Bukod pa rito si Bea Alonzo rin ang nagbabayad sa lahat sa tuwing nagtatravel sila abroad.


Ayon pa sa ilang mga isyung kumakalat ngayon na ang tinitirhang mamahaling condo unit ni Dominic Roque ay hindi naman pala sa kanya nakapangalan kundi sa isang controversial na politiko.


Iginiit din ni Cristy Fermin na ang kanyang tinutukoy na pulitiko ay isang lalaki at hindi babae. Marami naman ang napapatanong kung bakit sa lalaking ito nakapangalan ang condo ni Dominic Roque at kung bakit ito ang boss ng aktor.


Kasalukuyan na ring gumugulong ang imbestigasyon ngayon sa kung ano ang totoong trabaho ni Dominic Roque dahil ang tanging alam lamang umano ng lahat ay ang pagkakaroon nito ng tranaho subalit wala naman umanong makakapagsabi kung anong trabaho nito.


Marami rin napapatanong kung ano-ano ang mga negosyo ni Dominic Roque at kung gaano nga ba ito kayaman para maafford ang kanyang lavish lifestyle. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na madalas ang pagptatravel abroad ni Dominic Roque para mag bakasyon.


Bagama't isa umanong negosyante ang ama at ina ni Dominic Roque hindi pa rin nila alam kung sapat naba ito upang mamuhay ng napakarangya ngayon ng aktor.


Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi naman kasikatang artista sa Dominic, may mga endorsement man itong nakukuha ay hindi pa rin ito karamihan at hindi na rin ito nakakasama ngayon sa ilang mga teleserye at pelikula.


Nauna nang naiulat, na ang pangunahing dahilan ng paghihiwalay nina Dominic Roque at Bea Alonzo ay ang pagpapapirma ng mga magulang ng aktres ng prenuptial agreement kay Dominic Roque.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo