Ria Atayde, Hindi Natatakot Na Sagutin Ang Mga Issue about Kathryn Bernardo!

Miyerkules, Pebrero 7, 2024

/ by Lovely


 Hindi umano natatakot ang aktres na si Ria Atayde na sagutin ang ilang mga isyu patungkol kay Kathryn Bernardo, handa rin umano itong ilahad ang lahat ng kanyang mga nalalaman at wala umano siyang itatago.


Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga netizens ang nangyaring contract signing ni Kathryn Bernardo lalo na ang puntong pagbibigay ng mensahe nito patungkol sa mga pinagdaanan niya noong nakaraang taon.


Tila naging malaki rin ang epekto ng naging pahayag ni Kathryn Bernardo sa dating kaibigan nilang dalawa ni Daniel Padilla na sina Joshua Garcia, Zanjoe Marudo at higit sa lahat kay Ria Atayde.


Kaagad kasing nakatanggap ng pambabatikos si Ria Atayde mula sa ilang mga netizens matapos ang pag-amin ni Kathryn Bernardo na nahihirapan siyang makahanap ng totoong kaibigan sa loob ng showbiz industry dahil hindi niya alam kung sino ang totoo sa kanya.


Ayon pa kay Kathryn Bernardo, na sa gitna ng kanyang mga pinagdaanan ay doon niya nakikilala ang mga totoong kaibigan na handa siyang damayan at hindi siya ilalaglag at sasaktan.


Marami sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang bumabatikos kay Ria Atayde dahil sa hinalang ito ang hindi naging totoong kaibigan ni Kathryn Bernardo dahil sa pagkampi nito kay Daniel Padilla.


Marami ang nagsasabing tinraydor umano ni Ria Atayde ang kapwa niya babae na si Kathryn Bernardo dahil pinagtakpan niya ang kalokohan noon ni Daniel Padilla.


Dapat umano ay pinayuhan ni Ria Atayde si Daniel Padilla na tigilan na ang pangloloko kay Kathryn Bernardo subalit pinabayaan lamang umano itong lahat ni Ria at pinagtakpan pa ang aktor.


May ilang mga netizens naman ang kumampi kay Ria Atayde at sinabing itigil na ang pagpapakalat ng mga isyu dahil walang ibang tao na mas nakakaalam sa dahilan ng hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kundi sila lang rin dalawa mismo.


Ayon pa sa ilang mga fans ni Ria Atayde na walang katotohanan ang isyung hindi maayos ang pagkakaibigan ng dalawa. Sa ngayon ay pareho lamang silang abala sa kanya-kanya nilang buhay at trabaho na naging dahilan kung bakit hindi sila nagkakasama .


Sa kabilang banda, marami naman ang nananawagan kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na magbigay na ng pahayag patungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay upang matigil na ang mga isyu na maaring makasira sa kanilang showbiz career at sa career ng mga taong nadadawit na sa kanilang isyu.



@ashmnth "ALAM KO, NAGING MAHIRAP ESPECIALLY LAST YEAR" #kathrynbernardo #fyp #foreverkapamilyakathryn ♬ Only Love Can Hurt Like This (Slowed Down Version) - Paloma Faith

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo