Anne Curtis Walang Tigil Kakaiyak Matapos Itong Gawin Ni Regine Velasquez

Miyerkules, Pebrero 7, 2024

/ by Lovely


 Wala umanong tigil na umiyak ang Kapamilya actress at TV host na si Anne Curtis dahil sa mga pinagsasabi sa kanya ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.


Hindi lubos akalain ni Anne Curtis na makakatanggap siya ng papuri mula sa nag-iisang si Regine Velasquez. Hindi umano inaasahan ni Anne Curtis ang papuri ni Regine Velasquez sa kanyang boses on national TV.


Naging emosyunal ang It's Showtime host na si Anne Curtis nang mapanood ang isang episode ng Magandang Buhay kung saan nagbigay ng komento si Regine Velasquez patungkol sa kanyang boses.


Ayon kay Anne Curtis, hindi umano niya ini-expect na makakatanggap siya ng pupuri mula kay Regine Velasquez lalo na kung ang kanyang pagkanta ang pag-uusapan.


Binalikan ni Anne Curtis ang isang episode ng Magandang Buhay kung saan kumanta siya. Matapos ang kanyang pagkanta, nagkomento si Regine Velasquez na nasa tono na umano ngayon ang kanyang boses.


Ayon kay Regine Velasquez, "Tingnan mo si Anne, si Anne na dati ay tawang-tawa lamang tayo. Bakit tayo natatawa sa kanya? Kasi wala siya sa tono."


Dagdag pang pahayag ni Regine Velasquez, "Pero actually ngayon nasa tono na siya, actually gumaling na siya kasi pinupursigihan niya and she actually loves it."


Ibinahagi naman ni Anne Curtis ang video na ito ng pagpapapuri sa kanya ni Regine Velasquez. Sa caption, ipinahayag niyang maghintay lamang si Regine Velasquez dahil patuloy pa siyang magsasanay. 


Pinasalamatan rin niya si Regine Velasquez sa mumunting pagbabago ng kanyang tono. Inilahad din ni Anne Curtis na malaki ang naitulong sa kanya ng pagvo-voice lesson kasama si Kitchie Molina.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens patungkol sa improvements ngayon ni Anne Curtis pagdating sa kanyang pagkanta.


"Inaantok n ko nagising Ako bigla.... I love how skill based things are best explained n it's learned, it's practiced.... Bongga"


"Gumaling na talaga si Ms.@annecurtissmith I believe practice practice will make you Confidently Perfect!"


"I can listen to @annecurtissmith and be entertained while smiling than listening to Julia singing IKAW on asap last Sunday."


"Coming from THE Regine Velasquez na yan Anita ha! Grabe ka! Regine at Lea na pumupuri sayo."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo