Hindi Na Banned! TV Host- Aktor Tuloy Ang Pagbabalik Sa Abs Cbn!

Miyerkules, Pebrero 7, 2024

/ by Lovely


 Ikinatuwa ng mga fans ng actor-performer-host na si Billy Crawford ang kanyang muling pagbabalik sa ABS-CBN kung saan makikita na naman muli si Billy sa ilang mga shows at programa ng nasabing network.


Kamakailan lamang ay muling nakita sa stage ng ASAP Natin 'To si Billy Crawford kung saan nakasama niyang mag-perform para sa kanyang pasabog na performance sila Darren Espanto at AC Bonifacio.


Hindi rin umano alam ni Billy Crawford kung ano ang dapat niyang maramdaman sa muling pagbabalik niya sa Kapamilya network. Gusto umanong manginig, maiyak o tumawa ni Billy Crawford subalit ang alam lamang umano niya na ang lahat ng ito ay dahil sa paggabay sa kanya ng Panginoon.


Ipinahayag rin ni Billy Crawford kung gaano siya kasaya na nakabalik na siya sa kanyang itinuturing na tahanan sa mundo ng showbiz.


Hindi rin nalimutan ni Billy Crawford na pasalamatan ang namayapang Dreamscape head na si Deo Endrinal.


Ayon kay Billy Crawford, "Thank you Sir Deo because of you Sir Deo kaya ako pumasok sa ASAP.


Nauna na rito, ang muling pagpasok ni Billy Crawford sa It's Showtime upang makisaya sa pagdiriwang ni Vhong Navarro sa kaarawan nito. Kasama naman noon ni Billy ang ilang mga myembro ng Kanto Boys na sina Luis Manzano, Joshua Garcia at Pepe Herera na siyang representative ni John Lloyd Cruz.


Pagkatapos ng kanilang performace, inamin ni Billy Crawford na na-miss niya ang pagpeperform sa It's Showtime. Ilang taon na rin umano na hindi siya nakaperform ng Billy-Vhong at labis na rin niyang namimiss na makasamang magperform si Vhong Navarro.


Binalikan pa ni Billy Crawford ang mga bagay na magkasama nilang ginagawa noon ni Vhong Navarro sa It's Showtime kabilang na ang sabay na pagsisimba habang on-going ang show.


Hinding-hindi rin umano malilimutan ni Cilly Crawford ang prayer time nila noon ni Vhong Navarro. Ipinahayag pa ni Billy Crawford na kailanman ay hindi niya malilimutan ang mga pinagsamahan nila noon ni Vhong Navarro.


Pinasalamatan din ni Billy Crawford si Vhong Navarro dahil sa umano'y pananatili nito na mabait at humble. Isa rin umano ito sa mga pinakatotoong tao na nakilala niya.


Hiniling pa ni Billy na sana ay makatanggap pa si Vhong Navarro ng more love, more blessings at more care.


Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakabalik sa It's Showtime si Billy Crawford, matatandaan na nauna nang magpunta noon si Billy sa show kung saan kasama niya ang kanyang asawa na si Coleen Garcia at kanilang anak.


Ito'y noong naimbitahan siya ni Vice Ganda para sa Magpasikat 2023 performance nito kung saan isiniwalat nila ang kanilang pagkakaayos.


@abscbnpr Billy Crawford celebrates #ASAP29 ♬ original sound - ABS-CBN PR

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo