Daniel Padilla Nadulas Sa Kanyang Speech Contract Signing 2024

Lunes, Pebrero 12, 2024

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news site ang mga binitawang pahayag ni Daniel Padilla sa naganap na contract signing.


Nitong February 12, 2023 muli na namang pumirma ng panibagong kontrata ang aktor na si Daniel Padilla sa Star Magic at ABS-CBN matapos ang mga haka-haka na lilipat na siya sa ibang mga talent agency dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Nagbigay naman ng mensahe si Daniel Padilla para sa ABS-CBN, sa kanyang pamilya, kay Kathryn Bernardo at maging sa kanyang mga fans na labis niyang pinapasalamatan sa pagsama sa kanyang journey bilang artista.


Samantala, kaagad namang nakakuha sa pansin ng mga netizens ang pahayag ni Daniel Padilla kung saan tila nadulas umano ito kung saan tila inamin na rin ng aktor na may mga natatanggap siyang mensahe mula sa mga netizens na totoo bagama't masakit.


Kaagad namang naghinala ang mga netizens na ang sinasabing totoo ni Daniel Padilla ay ang natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga fans ni Kathryn Bernardo.


Bagama't wala namang inamin marami ang nagsasabi na isa sa maraming mga iniisyu kay Daniel Padilla ang totoo, hinala ng mga netizens na ang tinutukoy nito ay wlang iba kundi ang nangyari sa pagitan nila ni Andrea Brillantes.


Matatandaan na naging mainit na usapin noon na ang pag-amin umano ni Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo sa nangyari sa kanila ni Daniel Padilla ang naging dahilan kung bakit nakipaghiwalay rito ang aktres.


Mula noon ay hindi na tinantanan ng mga isyu si Daniel Padilla, naglabasan rin ang iba pang mga pangalan ng mga babaeng nakakarelasyon din noon ng aktor.


Naging tahimik naman si Daniel Padilla sa mga naglabasang mga isyung ito patungkol sa kanya, kaya naman dahil sa umano'y pagkakadulas ng aktor sa kanyang kamakailang pahayag marami ang napapatanong sa dami ng mga natatanggap niyang pambabatikos at sa rami ng mga naglabasang mga isyu patungkol sa kanya.


Alin sa mga ito ang totoo na bagama't masakit wala siyang ibang nagawa kundi ang tanggapin ang mga pambabatikos.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo