Kim Chiu Gustong Sumalang Sa Expecially for You, Showtime Fam Dinasalan Na Magka-Jowa Si Kim

Biyernes, Pebrero 9, 2024

/ by Lovely


 Naging laman na naman ng tuksuhan sa kamakailang episode ngayon ng It's Showtime ang Kapamilya actress host na si Kim Chiu sa segment na Expecially For You.


Tinutukso ng kanyang mga kasamahang host si Kim Chiu na makatagpo na ng panibagong mamahalin.


Napag-usapan nina Vice Ganda at Tiyang Amy Perez sa isang episode ng Expecially For You ang pag-alay ng panalangin sa mga bagay na hinihiling. Ayon kay Tiyang Amy na dapat ipinagdadasal ang mga taong gusto.


Inamin pa ni Tiyang Amy na mayroon siyang notes noon sa kung ano ang mga gusto niya. Dagdag naman ni Vice Ganda na dapat ay hindi ikinakahiya ang mga bagay na gustong hilingin sa panginoon.


Dito na sumingit si Kim Chiu at nagbiro na kaagad namang sinakyan ng mga kasamahan niyang hosts.


Ayon kay Kim Chiu, "Wait lang huh, pray lang ako."


Nilapitan naman siya ng kanyang mga It's Showtime hosts at pinag-pray na sana ay dumating na rin ang lalaking para sa kanya. Isa-isa pa nilang niyakap ang aktres at hiniling na sana ay muling sumaya ang puso nito.


Hindi naman dito natigil ang pang-aasar ng mga It's Showtime hosts kay Kim Chiu, tinutukso rin nila ito na sasalang sa Expecially For You sa darating na February 14, sa mismong araw ng mga puso.


Kaagad naman itong tinaggihan ni Kim Chiu at nagpunta na lamang siya sulok ng stage at sinaway na ang kanya mga kasamahang host na itigil na ang pangguguyo sa kanya.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ng aktres ang umaasa na sana ay talagang sasalang sa Expecially For You sina Kim Chiu at Xian Lim upang malinaw na rin ang mga isyu sa pagitan nilang dalawa.


Matatandaan, na hindi naman isiniwalat nina Kim Chiu at Xian Lim kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay matapos ang 12 years nilang relasyon. Naging malaking palaisipan sa mga netizens kung bakit pinili ng dalawa na maghiwalay ng landas sa halip na ayusin ang kanilang pagmamahalan.


Duda naman ang mga netizens na kung sakaling papayag man si Kim Chiu na sasalang siya sa Expecially For You, hindi naman tiyak kung papayag ba si Xian Lim dahil palagi itong umiiwas sa mga usapin kung ang nakaraan na nila ni Kim Chiu ang paksa.


@kimberly_michaelpaulo HAHAHA mukhang may masasalang sa ExpeciallyForYou. We love you Kimmy! #KimChiu #KimPau #fyp #fypシ゚viral ♬ original sound - KimPau 🤍

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo