Official Statement Ni Dominic Roque Sa Mga Alegasyon Ni Cristy Fermin Tungkol Sa Kanyang Pagkatao!

Martes, Pebrero 20, 2024

/ by Lovely


 Hindi pa rin natitigil ang mga usap-usapan patungkol sa totoong nangyari sa biglaang paghihiwalay ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominc Roque at ang pagkakaudlot na rin sa kanilang kasal.


Kasunod ng balitang ito, naglabasan naman ang samu't-saring espekulasyon at hinala patungkol sa totoong nangyari at kung bakit kung kailan nagpaplano na sila ng kanilang kasal ay saka naman nila naisipan na maghiwalay na lamang.


Marami rin ang mga taong iniuugnay ng ilang mga kolumnista na may kinalaman sa naging hiwalayan ng dalawa kabila na ang mga isiniwalat ni Cristy Fermin patungkol sa lalaking pulitiko na sugar daddy umano ni Dominic Roque.


Nalaman umano ito ni Bea Alonzo at ng mga magulang nito kaya naman naitigil ang pagpaplano ng kasal dahil hiniwalayan ni Bea Alonzo si Dominic Roque.


Dahil dito, marami ang mga naglabasang pangalan ng mga lalaking pulitiko na pinaghihinalaan ng mga netizens na naging sugar daddy ni Dominic Roque kabilang na ang TAPE Incorporated executive at Dapitan City Mayor na si Bullet Jalosjos na napag-alamang totoong nagmamay-ari ng condo na tinitirhan ni Dominic Roque.


Dahil rin sa mga balitang ito, naapektuhan ang image at reputation ni Dominic Roque at mga taong idinadawit sa kanya. Marami na rin ang pinagtatawanan ang aktor sa mga isyu na wala pa namang katotohanan.


Kaya naman naglabas ng opisyal na pahayag si Dominic Roque laban sa mga taong nagpapakalat ng mga maling impormasyon laban sa kanya at mga taong nakapaligid sa kanya.


Sa nasabing statement ni Dominic Roque nilinaw niya ang mga isyu lalo na ang mga isiniwalat ni Cristy Fermin, bukod pa rito, hiniling din niya na sana ay maglabas ng public apology si Cristy Fermin para sa kanya at mga taong idinadamay nito sa isyu.


Ang nasabing official statement ni Dominic Roque ay mula mismo sa kanyang legal council, ang Fernandez-Singson Law Offices.


Ayon sa statement, pinapalabas lamang umano ni Cristy Fermin na isang entertainment news ang isyung patungkol kay Dominic Roque subalit hindi naman umano ito kailanman nakipag-ugnayan sa aktor patungkol sa kung ano ang katotohanan.


Inamin naman ni Dominic Roque na totoong kay Bullet Jalosjos ang condo na kanyang tinitirhan subalit itinatanggi niyang may relasyon silang dalawa mahigit sa pagkakaibigan.


Nilinaw din sa nasabing pahayag ang totoong kaugnayan nina Dominic Roque at Cong. Bong Suntay na isa rin sa mga nalilink sa aktor. Ayon sa pahayag ni Dominic Roque, hindi niya pag-aari ang  Clean Fuel gas station dahil company owned umano ito.


Bukod pa rito nilinaw rin ni Dominic Roque na hindi rin patungkol sa prenuptial agreement ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan nila ni Bea Alonzo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo