Paulo Avelino, Mas Pinili Si Kim Chiu Kesa Kay Janine Gutierrez

Martes, Pebrero 20, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platform at mga entertainment news sites ang mga isiniwalat nina Ogie Diaz patungkol sa posibleng dahilan ng hiwalayan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.


Bagama't hindi naman hayagang inamin noon nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang relasyon, marami naman ang nagkumpirmang magkarelasyon na ang dalawa kung pagbabasehan ang kanilang mga sagot sa dating mga panayam noon.


Kaya naman marami pa rin sa kanilang mga tagahanga ang nalulungkot dahil sa hiwalayan ng dalawa ngayon kung saan maaring si Kim Chiu ang dahilan.


Ayon naman sa ilang mga naglabasang haka-haka, na mas pinili umano ni Paulo Avelino ang kanyang long time celebrity crush na si Kim Chiu kaya tuluyan silang nagkalabuan ni Janine Gutierrez.


Marami naman ang naghinala na mas pinili ni Paulo Avelino si Kim Chiu dahil hindi naman maitatanggi na mas kilala ito sa industriya ng showbiz kaysa kay Janine Gutierrez.


Naging praktikal lamang uumano ngayon ang aktor dahil mas pinag-uusapan naman talaga ang kanilang tambalan ngayon ni Kim Chiu kaysa noong si Janine Gutierrez pa ang kanyang leading lady.


May mga nagsasabi ring tila mas pinapahalagahan umano ngayon ni Paulo Avelino ang aktres na si Kim Chiu kaysa ang girlfriend na si Janine Gutierrez na naging dahilan ng kanulang hindi pagkakaunawaan.


Noon pa man ay hindi na nawawala sa telebisyon ang pangalan ng aktres na si Kim Chiu dahil sa ipinakita niyang galing sa pag-arte mapa pelikula man o teleserye. Pinatunayan na rin ni Kim Chiu ang kanyang talento sa paggananp ng iba't-ibang mga roles na napagtagumpayan naman niya.


Sa kabilang banda, kilala rin naman ang pangalan ng aktor na si Paulo Avelino sa industriya ng showbiz bilang isang magaling na aktor kaya naman hindi na kataka-takang naging sikat ito at matagumpay sa kanyang larangan.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon at kung may katotohanan nga bang nagkaroon sila ng romantic relationship subalit nagkahiwalay dahil kay Kim Chiu.


@callmemauriceee0 Di pa daw confirmed pero balita eh split na daw si Pau at Nini? #pauloavelino #kimchiu #kimpau #janinegutierrez #paunine #fyp #fypシ ♬ original sound - Maurice ✨💖

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo