Si Kim Ang Dahilan, Kim Chiu Sinisisi Kung Bakit Naghiwalay Sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez

Martes, Pebrero 20, 2024

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ang mga isiniwalat ng kilalang talent manager at at showbiz insider na si Ogie Diaz na may posibilidad na si Kim Chiu ang dahilan ng hiwalayan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.


Marami naman sa mga tagahanga nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ang hindi makapaniwala sa balitang ito dahil sa pagkakaalam nila ay masaya naman ang relasyon ng dalawa.


Bagama't wala pa naman inilalabas na pahayag sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez patungkol sa estado ng kanilang relasyon, naglabasan naman ngayon ang ilang mga haka-haka mula sa mga netizens.


May mga naniniwalang may posibilidad ngang sangkot ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa hiwalayan ng dalawa dahil tila nagkakalapit na ito at si Paulo Avelino dahil sa pagsasama nila sa iisang proyekto.


Hinala pa ng maraming mga netizens na baka hindi umano kinaya ni Janine Gutierrez ang pagiging malapit nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa harap at likod ng kamera, hindi rin umano nakatulong ang mga maiinit nilang tagpo sa teleseryeng pinagbibidahan nilang dalawa.


Sa kabilang banda, nauna nang iginiit ni Kim Chiu na walang namamagitan sa kanilang dalawa ni Paulo Avelino at magkaibigan lamang umano silang dalawa. Ginawa lamang umano nila ang pagpapakitang sweet sa isa't-isa para sa promotion ng kanilang mga projects.


Bukod pa rito, bagama't hindi naman sinisirado ni Kim Chiu ang kanyang puso na magmahal muli, tila hindi pa rin handa ang aktres na magkaroon ng relasyon dahil makikitang hindi pa ito tuluyang nakakapag-move on kay Xian Lim kung pagbabasehan ang mga hugot nito sa kanyang mga pahayag sa It's Showtime.


Naiintindihan naman ito ng maraming mga netizens dahil talagang mahirap umano ang pinagdaanan ni Kim Chiu dahil matagal rin silang nagkarelasyon ni Xian Lim at umaasa siyang mauwi rin sa happy ending ang kanilang relasyon.



@callmemauriceee0 Di pa daw confirmed pero balita eh split na daw si Pau at Nini? #pauloavelino #kimchiu #kimpau #janinegutierrez #paunine #fyp #fypã‚· ♬ original sound - Maurice ✨💖

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo