Just in: Julia Barretto at Gerald Anderson, Hiwalay Na?

Huwebes, Pebrero 1, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media ang mga haka-hakang naghiwalay na rin ang celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.


Hindi naman makapaniwala ang mga fans nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa nasabing balita dahil napakasweet pa ng dalawa noong nagdaang pasko.


Ayon sa mga kumakalat na balita, nahuli umano ni Julia Barretto na nagloloko na naman si Gerald Anderson kung saan may kasama itong ibang babae sa ibang bansa.


Sa isang Facebook post, isiniwalat ng isang netizen na namataan umano nila si Gerald Anderson na may kasamang ibang babae sa Amerika, bukod pa rito,  makikita umanong sweet sa isa't-isa ang dalawa.


Nakarating naman umano kay Julia Barretto ang nasabing balita na siyang labis na nasaktan dahil hindi pa pala nagbabago ang aktor at hanggang ngayon ay nambababae pa rin ito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang lovelife history ng aktor na si Gerald Anderson, kung saan ang isa sa pinakanaging kontrobersyal ay ang relasyon nito kay Bea Alonzo.


Ayon sa naging pahayag ni Bea Alonzo noon patungkol sa nangyari sa kanila ni Gerald Anderson, bigla na lamang umano siyang hindi kinausap ng actor. Noong una ay hindi umano niya alam kung ano ang totoong nangyari.


Hindi umano naging fair sa kanya noon si Gerald Anderson dahil pinagmukha siya nitong tanga at hindi ito naging honest sa kanya na may iba na pala itong babae sa katauhan naman ni Julia Barretto.


Samantala, marami naman sa mga bashers ni Julia Barretto ang nagsasabing tila na karma na  ito dahil sa ginawa ng aktres kay Bea Alonzo at sa dating karelasyon na si Joshua Garcia.


Sa kabilang banda, kailanman ay hindi inamin ni Julia Barretto na may nasagasaan siyang relasyon noon sa pagkikipagrelasyon kay Gerald Anderson dahil naniniwala siya na matagal nang naghiwalay ang dalawa bago siya pumasok sa eksena.



Sa ngayon ay hindi pa naman nila isinasapubliko ang nangyari sa kanilang relasyon. Kasalukuyan din umanong sinusuyo ngayon ni Gerald Anderson si Julia Barretto.


Samantala, nanawagan naman ang ilang mga fans ng dalawa na huwag pangunahan sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa pagsisiwalat sa totoong nangyari sa kanilang relasyon dahil walang ibang mas may alam sa nangyari kundi sila lamang dalawa.


Naniniwala rin ang iba pa nilang mga tagahanga na hindi pa nagkakahiwalay ang dalawa at mga maling impormasyon lamang ang mga kumakalat sa intensyong siraan ang aktor.


Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na naisyu ang aktor at naibalitang naghiwalay na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo