Carla Abellana, Nagbigay Na Nang Pahayag sa Natatanggap Na Pambabatikos

Biyernes, Pebrero 9, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na ng reaksyon ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa pagbibenta niya ng mga preloved items sa social media.


Labis na nalulungkot ang aktres na si Carla Abellana sa mga natatanggap niyang negatibong komento para sa kanyang ibinibenta online na mga pinaglumaan niya. 


Marami kasi ang hindi nagustuhan ang mga ibinibentang preloved items ni Carla Abellana dahil hindi na umano maganda ang kondisyon ng mga ito at napakamahal pa rin ng presyo.


Bukod pa rito, marami rin ang nakapansin na hindi man lamang nililinisan ni Carla Abellana ang kanyang mga shoes at sandals bago ipost bilang mga paninda.


Dahil dito, may mga netizens na bumabatikos kay Carla Abellana kung saan sinasabihan siyang dugyot at hindi malinis sa gamit. Dismayado rin ang ilang mga netizens dahil kahit bulok na umano ang mga gamit na ibibenta ni Carla Abellana ay napakamahal pa rin nito.


Kahit gaano pa umano ka sikat si Carla Abellana kung ganito naman ang quality ng items ay nakakahiya pa rin umanong suotin at gamitin mas mabuti pa na bumili na lamang sa ukay-ukay.


Kaagad namang nakarating kay Carla Abellan ang mga pambabatikos ng mga netizens kaya naman naglabas na siya ng kanyang reaksyon patungkol rito.


Sa isang social media post inilahad niya na may mga tao talaga na sobrang sama at walang pakialam kung nakakasakit na ba sila ng damdamin ng ibang tao dahil sa kanilang mga sinasabi.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang perang kikitain ni Carla Abellana sa kanyang mga ibinibentang items ay mapupunta lahat sa charity. May mga fans din naman ni Carla Abellana ang umalma sa mga nambabatikos sa aktres lalo na kung hindi naman bibili ng mga paninda ni Carla.


May mga nagsasabi pa na kung nabubulokan na sa mga panininda ni Carla Abellana ay huwag na lamang silang bumili hindi iyong hindi na nga bumibili nag-iiwan pa ng mga hate comments upang i-discourage ang mga taong may intention na bumili at makatulong.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo