Karla Estrada Nakiusap Sa Mga Netizens Na Suportahan Ang Anak Na Si Daniel Padilla

Huwebes, Pebrero 1, 2024

/ by Lovely


 Celebrity mom na si Karla Estrada nananawagan sa mga netizens na sana suportahan ang kanyang anak na si Daniel Padilla na iboto para manalo bilang Philippine Hottest Man of the Year ng Voter's Choice Award.


Viral at usap-usapan ngayon sa social media ang panawagan ng actress-host na si Karla Estrada para sa kanyang anak na si Daniel Padilla na sana ay suportahan ito ng mga netizens na mahirang bilang Philippine Hottest Man of the Year ng Voter's Choice Award.


Sa kanyang post, ibinahagi ni Karla Estrada ang post ng social media page kung saan ipinapakita ang mga nominado para sa nasabing award kabilang na ang kanyang anak.


Bukod kay Daniel Padilla, nominado rin sina Matteo Guidicelli, Kyle Echarri, KD Estrda, Rayver Cruz, Alden Richards, Donny Pangilinan, Ruru Madrid, David Licauco, Seth Fedelin, Joshua Garcia at iba pa.


Kasalukyan namang nangunguna si Daniel Padilla sa botohan hanggang sa kasalukuyan.


Matatandaan na kamakailan lamang ay umalis sa bansa ang aktor na si Daniel Padilla sa gitna ng mga pambabatikos na natatanggap niya dala ng hiwalayan nila ng kanyang girlfriend sa loob ng 11 years na si Daniel Padilla.


Sa kabila naman ng mga isyung binabato kay Daniel Padilla, tila nanatili naman siyang paborito ng ilang mga fans na hanggang ngayon ay naniniwala at sumusuporta pa rin sa aktor.


May mga nagsasabing fans ni Daniel Padilla na kahit napuno ito ng pamababatikos na dala ng mga isyung kinakaharap ng aktor matapos ang hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Ayon pa sa ilang mga netizens na totoo namang pogi si Daniel Padilla at deserve din nitong mabigyan ng spot bilang Philippine Hottest Man.


Hindi naman ito matanggap ng ilang mga bashers ni Daniel Padilla dahil ayon sa kanila bagama't tototoong gwapo at pogi si Daniel Padilla hindi naman maganda ang katawan nito.


May mga nagpapayo pa kay Karla Estrada na sana bago siya nanawagan ng suporta para mahirang bilang Philippine Hottest Man ang anak ay sana pinag-gym na muna niya ito upang maging karapa't-dapat na maging hottest man.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo