Daniel Padilla Mag-Isang Nag-Concert Sa Siargao

Huwebes, Pebrero 1, 2024

/ by Lovely


 Kilig na kilig ang mga fans ng aktor na si Daniel Padilla sa Siargao nang biglaang makajamming nila ang pinakapinag-uusapan ngayong aktor at pinakabinabash na rin.


May mga nagbahagi naman ng mga video kung saan makikitang kumportableng nakikipaghalubilo si Daniel Padilla sa mga locals at mga turista sa isla ng Siargao.


Walang kasamang kaibigan si Daniel Padilla sa pagpunta sa Siargao, tanging kapatid lamang nito na si Magui ang kanyang kasama. Wala ring namataan na kahit isang personal assistant.


Marami ang napapatanong kung bakit wala ni-isa sa mga kaibigan nito ang tila dumadamay rito sa gitna ng mga natatanggap nitong pambabatikos at kamakailang hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Januaey 31, 2024 nakita ng ilang mga netizens si Daniel Padilla sa airport na mukha umanong malungkot dahil nag-iisa lamang ito. Kakaiba naman ito sa paningin ng mga fans ni Daniel Padilla, dahil nasanay silang napapalibutan ang aktor ng mga body guards at mga personal assistants.


Palagi rin itong napapalibutan ng mga tagahanga subalit sa video makikita na wala namang halos na pumapansin kay Daniel Padilla. Marami ang naghinala na isa ito sa naging epekto ng hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo at nang maglabasan ang samu't-saring isyu patungkol sa kanya.


Talagang nabahiran ang image at reputation ni Daniel Padilla na dating tinitingala ng mga kababaihan at maging nang mga kalalakihan. 


Tila nawala na umano ang kinang ngayon ng aktor at karisma sa mga tao dahil na rin sa mga naglalabasang mga video patungkol sa magaspang na pag-uugali ni Daniel Padilla sa kanyang mga fans at ang pagiging babaero nito.


Marami naman ang nakaramdam ng awa ng kay Daniel Padilla matapos mapanood ang nasabing video kung saan mag-isa lamang ito na inaayos ang gamit. Napansin naman ng mga netizens na hindi naman totally nag-iisa ang aktor dahil kasama niya roon ang kanyang kapatid na si Magui.


Sa mga kasunod na video, makikita na ang pakikipagsaya ni Daniel Padilla sa isang bar roon, uminom, kumanta at nakipag-selfie sa kanyang mga fans. Tila nagkaroon pa ito ng pa-free concert dahil talagang dinumog ng mga tao ang bar kung saan kumanta si Daniel Padilla.


May mga netizens naman na nagsasabing tila inilalabas ni Daniel Padilla sa isla ng Siargao ang mga emosyon na matagal rin niyang tinatago. Tila sinisimulan na rin umano nitong gawin ang mga bagay na totoong ninanais nito.


Samantala, kung pagbabasehan naman ang paraan ng pagtanggap kay Daniel Padilla ng mga tao sa Siargao masasabing hindi pa naman tuluyang tinalikuran ng mga tao ang aktor at marami pa ring sumusuporta rito na hindi nakikialam sa nangyaring isyu sa pagitan nila ni Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, patuloy naman ang pananahimik ni Daniel Padilla sa mga isyung kinakaharap niya mula sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo hanggang sa kung paano niya tratuhin ang kanyang mga fans.



@singingvids6 #DanielPadilla performing in #siargao #fyp #foryou #trendingnow #viral #singing ♬ original sound - SingingVids

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo