Star Magic Nagsalita Na Tungkol Sa Muling Pagpirma Ng Kontrata Ni Kathryn Bernardo

Huwebes, Pebrero 1, 2024

/ by Lovely


 Tinulukan na mismo ng Star Magic ang isyung tatalikuran na sila ng kanilang talent na si Kathryn Bernardo na nasa ilalim na ng kanilang pangangalaga magmula nang magsimula ito sa kanyang showbiz career ilang taon na ang nakakalipas.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagsimula ng maaga ang career sa showbiz ni Kathryn Bernardo at naging matagumpay naman ito sa ilalim ng pangangalaga ng Star Magic.


Kaya naman, ikinagulat ng maraming mga netizens ang balitang aalis sa puder ng Star Magic ang aktres kung saang naging matagumpay ang kanyang career at naging daan upang makilala siya sa showbiz industry.


Naglabasn ang mga bali-balitang lilipat na ang aktres sa talent agency ng aktres na si Maja Salvador, na dati ring talent ng Star Magic. Nag-ugat ang mga bali-balitang ito nang namamataan na palaging magkasama ang dalawa.


Nauna namang pinabulaanan ng kampo ni Kathryn Bernardo ang nasabing isyu subalit, hindi pa rin naniniwala ang ilang mga netizens dahil sa pananahimik ng Star Magic hinggil sa isyung ito.


Gayunpaman, natuldukan naman ang lahat nang mismong ang Star Magic na ang nagbahagi ng larawan kung saan isiniwalat nilang muling pipirma ng kontrata sa kanilang ang aktres sa darating na February 2, 2024.


Ibinahagi ito ng Star Magic sa kanilang official social media account kung saan inilahad nilang magiging Forever Kapamilya si Kathryn Bernardo sa kabila ng mga pinagdadaanan nito at sa nangyaring hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


"Ngayong February 2, witness Kathryn flip the page to new stellar adventures as a Kapamilya in her FOREVER KAPAMILYA contract signing," masayang pagbabahagi ng Star Magic.


Marami naman sa mga netizens at fans ni Kathryn Bernardo ang natuwa dahil sa ginawang desisyon ni Kathryn Bernardo, kung saan pinatunayan lamang umano nito kung gaano itong katapang sa pagharap sa kanyang ex-boyfriend na nananatili rin sa Star Magic.


Marami ang bumati sa pananatili ng aktres sa Star Magic at sa ABS-CBN kung saan inaabangan na rin umano nila ang mga gagawing proyekto ng aktres mapa-teleserye man o pelikula.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo