Ivana Alawi, Sinagot Na Ang Isyu Pagkakalink Kay Mayor Albee Benitez

Lunes, Pebrero 12, 2024

/ by Lovely


 Ipinahayag na ng serexy actress-vlogger na si Ivana Alawi ang kanyang saloobin hinggil sa pagkakalink niya kay Bacolod City Mayor Albee Benitez.


Kamakailan lamang ay kumalat sa ilang mga social media platform ang mga video kung saan makikita sina Mayor Albee Benitez at Ivana Alawi sa isang airport.


Bukod pa rito, marami rin ang nagsasabing nakita nila sina Mayor Albee Benitez sa iba't-ibang lugar sa ibang bansa katulad na lamang sa Japan, Baguio at iba pa.


Nauna na ring inamin ni Ivana Alawi sa isang panayam noong nakaraaang taon na mayroon nang nagpapasaya sa kanyang puso. Inamin rin niya na bago pa lamang ang sila at kasisimula pa lamang ng kanilang relasyon.


Dahil dito, lalong lumakas ang mga bulong-bulungan na mayroon relasyon ang dalawa. Ayon pa kay Ivana Alawi na hindi ito nagmula sa mundo ng showbiz. Napakabait din umano nito at walang kayabang-yabang sa katawan na major turn-off para sa kanya.


Samantala sa isang Facebook post ni Ivana Alawi nito lamang February 9, 2024 kung saan ibinahagi niya ang kanyang larawan na nakasuot ng itim croptop habang nakatingin sa malayo.


Sa caption inilahad niya na kaya niyang bilhan ang kanyang sarili ng bulaklak. Nito lamang February 10, 2024 opisyal nang naglabas ng pahayag si Ivana Alawi patungkol sa kumakalat ngayong isyu ng pagkakadawit niya sa pangalan ni Mayor Albee Benitez bilang babae nito.


Inilahad ni Ivana Alawi na nakarating rin sa kanya ang mga balitang may relasyon sila ni Mayor Albee Benitez.


Pinili umano muna niyang manahimik dahil sa kanyang paniniwala na hindi niya kailangang maglabas ng pahayag dahil wala naman siyang ginagawang masama.


Subalit, may mga netizens umano na binabatikos at pinagsasalitaan na rin ng masama ang kanyang ina at kapatid na si Mona kaya kailangan na niyang linawin ang lahat.


Iginiit din ni Ivana Alawi na ito na umano ang una at huling pagkakataon na magbibigay siya ng pahayag patungkol sa isyung ito.


Ayon kay Ivana Alawi, hindi siya ang sinasabing babae na karelasyon ni Mayor Albee Benitez.


Inamin naman niyang nagkakilala na sila ni person ng alkalde noong nagkaroon siya ng trabaho sa Bacolod. Inilahad pa niya kung gaano ito ka-accomodating at friendly si Mayor Benitez.


Subalit hindi lamang umano si Mayor Albee Benitez ang nakilala niyang pulitiko at naging kaibigan sa mga oras na iyon kundi may marami pang iba.


Inilahad din ni Ivana Alawi na mayroon na siyang boyfriend ngayon na nagpapasaya sa kanya. Isang respectable business man at hindi politician.


Hiling din niya na sana ang kanyang pahayag na ito ay ang siyang maglilinis sa kanyang pangalan at makakapaglinaw sa mga kumakalat na isyu patungkol sa kanila ni Mayor Albee Benitez.


 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo