Reaksyon Ni Javi Benitez Sa Statement Ni Ivana Alawi Tungkol Sa Relasyon Nila Ni Albee Benitez

Lunes, Pebrero 12, 2024

/ by Lovely


 Pinagtagpi-tagpi ng ilang mga netizens ang ibinahaging post ng Victorian City Mayor na si Javier Benitez sa kanyang Instagram stories nitong February 10, 2024.

Hinala ng ilang mga netizens na ang ibinahaging laughing emojis ni Mayor Javvy Benitez sa kanyang Instagram stories ay ang sagot ng alkalde sa inilabas na pahayag ni Ivana Alawi kung saan pinabulaanan ng sexy actress-vlogger ang sinasabing relasyon nila ni Mayor Albee Benitez.

Si Mayor Albee Benitez ang alkalde sa Bacolod City at siyang ama ni Mayor Javier Benitez na mas kilala bilan si Mayor Javvy Benitez.

Samantala, may isang netizen na nagbahagi ng screenshot ng Instagram story ni Mayor Javvy Benitez sa Twitter kung saan inilahad nito sa caption ang hinalang ito ang sagot ng anak ni Mayor Albee Benitez sa inilabas na official statement ni Ivana Alawi.

Marami naman sa mga netizens ang naghinala na may alam talaga si Mayor Javvy Benitez sa totoong ka-relasyon ng kanyang ama kaya naman marami ang naghihintay sa magiging pahayag nito.

Ayon pa sa ilang mga netizen na tila sagot nga ito ni Mayor Javvy Benitez sa post ni Ivana Alawi dahil ibinahagi ito ng alkalde ilang minuto matapos ang pagbabahagi ni Ivana Alawi ng kanyang official statement patungkol sa alegasyon na may relasyon sila ni Mayor Albee Benitez.

Ilang araw na ring laman ng mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment news sites ang balitang mayroong romantic relationship sina Ivana Alawi at Mayor Albee Benitez dahil sa mga kumakalat na mga videos at larawan na magkasama silang dalawa.

May mga netizen pa na nagsasabi na nakita nilang magkasama ang dalawa sa pagbabakasyon sa Japan, may mga nakakita rin umano sa kanila sa Baguio at sa iba pang mga lugar.

May mga kumakalat pang video kung saan makikita ang dalawa na magkasama sa isang airport. Bagama't nakasuot ng facemask ang lalaking kasama ni Ivana Alawi marami pa rin ang nakakakilala rito bilang si Mayor Albee Benitez.

Kaagad naman itong pinabulaanan ni Ivana Alawi, iginiit niyang hindi siya ang babae ni Mayor Albee Benitez. Iginiit pa niya na mayroon na siyang boyfriend isa umano itong respectable businessman at hindi politician.

Ayon pa kay Ivana Alawi, wala umano sana siyang balak na patulan ang mga isyung ito subalit kinaladkad na rin ang pangalan ng kanyang ina at ng kanyang kapatid na si Mona.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo