Cristy Fermin May Matinding Pasabog Tungkol Kay Willie Revillame

Martes, Pebrero 6, 2024

/ by Lovely


 Kinutya ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang nasagap niyang balita na tatakbo pagka-Senador ang actor-TV host na si Willie Revillame sa darating 2025 Elections.


Tiyak na hindi kabilang sa mga kandidato na susuportahan ni Manay Cristy Fermin ang dating alaga na si Willie Revillame sakaling tutuloy ito sa binabalak na pagtakbo sa Senado.


Kaagad na binasag ni Cristy Fermin ang pagpapahayag ni Willie Revillame sa kanyang pag-iisip na pasukin na ang politika sa darating na Senatorial Elections sa susunod na taon.


Nagpunta si Willie Revillame sa naganap na prayer rally sa Davao City noong January 28, kung saan niya isiniwalat ang kanyang binabalak na pagtakbo sa darating na 2025 Senatorial at Local Elections.


Matatandaan na tumanggi noon si Willie Revillame na tumakbong senador noong 2022 National Elections noong alukin siya nina dating Pangulo Rodrigo Duterte at Senator Bong Go dahil naniniwala umano siyang hindi kailangan ng posisyon ang pagtulong.


Samantala, sa latest episode ng Cristy Ferminute, kinuwestyon ni Cristy Fermin ang sinasabi ni Willie Revillame na kusang loob niyang pagtulong sa mga kababayang nangangailangan.


Ayon pa kay Cristy Fermin, na siya mismo ang makapagpapatunay na hindi ito totoo dahil naranasan na niyang masumbatan noon ng TV-host. Ang tinutukoy ni Cristy Fermin ay ang nakaraang isyu nila ni Willie Revillame kung saan isinumbat umano rito sa kanya ang ginawang pagtulong.


Dahil naman sa pagkapahiya, isinauli ni Cristy Fermin kay Willie Revillame ang lahat ng mga naitulong nito sa kanya kabilang na ang isang condo unit.


Bukod pa rito, isa pa sa ipinunto ni Cristy Fermin kung bakit hindi niya iboboto si Willie Revillame ay sa kadahilanang magiging sunod-sunuran na lamang ito sa mga kagustuhan ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte.


Para kay Cristy Fermin, masyado pa umanong maaga ngayon na magdeklarang tatakbo sa darating na election.


Napansin rin ni Cristy Fermin ang malaking pagbabago ng pisikal na anyo ni Willie Revillame. Ayon kay Cristy Fermin, ang laki na ng itinanda nito mula noong natigil sa pagpapalabas sa telebisyon ang kanyang show na Wowowin.


Sa kabilang banda, hinihintay naman ngayon ng ilang mga netizens ang magiging tugon ni Willie Revillame sa matinding pahayag ni Cristy Fermin.


@lab.maggie

Willie Revillame Tatakbo na bilang Senador sa taong 2025

♬ original sound - DaAvenue

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo