Manager Ni Bea Alonzo Isiniwalat Ang Baho Ni Dominic Roque Sa Likod Ng Camera!

Martes, Pebrero 6, 2024

/ by Lovely


 Sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa nangyaring hiwalayan sa pagitan ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, naglabas ng isang post ang road manager ni Bea Alonzo na si Nina Ferrer at ang make-up artist na si Kristine Duque na hinala ng mga netizens na patama ng mga ito Dominic Roque.


Kamakailang lamang ay napag-uusapan ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque nang mapansin ng mga netizens na hindi na sinusuot ng aktres ang kanilang engagement ring at hindi rin nagkatugma ang mga isinagot nila sa press patungkol sa detalye ng kanilang pagpapakasal.


Kaaagad namang tiningnan ng mga netizens ang mga social media accounts ng dalawa kung saan nakita nilang ang huling post na magkasama ang mga ito ay noon pang nagbakasyon sila sa Japan.


Kapansin-pansin pa umano ang isang malungkot na post ni Dominic Roque habang nakatanaw sa dagat. Bukod sa wala itong caption, naka-off rin ang comment section nito na tila ba iniiwasan itong matanong ng mga netizens.


Sa gitna ng mga usaping ito, naglabas naman ng isang cryptic post ang madalas na nakakasama ni Bea Alonzo ang kanyang road manager at make-up artist na sina Nina Ferrer at Kristine Duque.


Ibinahagi nila ang patungkol sa isang manipulative sad boi, na isang taong nagpapavictim upang makakuha ng simpatya sa mga tao. Bagama't wala naman silang binaggit na pangalan, tila iniisip na ng maraming mga netizens na wala silang ibang tinutukoy kundi si Dominic Roque.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tila ipinalabas na umano ng mga kasamahan ni Bea Alonzo ang totoong baho ni Dominic Roque na hindi alam ng publiko na siyang dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Hindi rin naman lingid sa kaalaman ngayon na mas nakakatanggap ng simpatya si Dominic Roque sa nangyaring hiwalayan nila ni Bea Alonzo. Isa sa mga dahilan nito, ay ang pagbabahagi ng aktor ng mga larawan kung saan makikitang malungkot ito.


Habang makikita naman sa mga ibinabahagi ng aktres na abala ito sa kanyang mga showbiz engagements.


Sa kabilang banda, kinumpirma na rin ng King of Talk na si Boy Abunda sa latest episode ng kanyang programang Fast Talk With Boy Abunda na walang kasalan na magaganap sa pagitan nina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil naghiwalay na ang mga ito.


Hindi pa naman umano niya masasabi kung magkakabalikan pa rin ang mga ito dahil kasalukuyan pa rin umanong sinusuyo ni Dominic Roque si Bea Alonzo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo