Beatrice Saw Nagsalita at Ipinagtanggol Si Bea Alonzo Sa Mga Bashers

Huwebes, Pebrero 8, 2024

/ by Lovely


 Hinintay ngayon ng maraming fans nina Dominic Roque at Bea Alonzo ang naghihintay ng mga opisyal na pahayag mula sa kanila mismo patungkol sa mga isyu patungkol sa kanilang hiwalayan.


Dahil sa patuloy na pananahimik ng dalawa patungkol sa kanilang hiwalayan, inaabangan na rin ngayon ng ilan pang mga netizens ang pahayag ng mga taong malalapit sa kanila upang kahit papaano ay makakuha ng idea sa maaring pinagmulan ng biglaang pagtatapos ng kanilang relasyon.


Matatandaan na nauna nang pinag-usapan sa social media ang ibinahagi post ng road manager ni Bea Alonzo na si Nina Ferrer na isang cryptic post patungkol sa isang manipulative sad boi na hinala ng lahat na patama ito kay Dominic Roque.


Lalo pang naghinala ang mga netizens na may kinalaman ito sa napapanalitang hiwalaya nina Dominic Roque at Bea Alonzo dahil inirepost ito ng make-up artist ni Bea Alonzo.


Kaagad naman itong sinagot ng mga fans ni Dominic Roque kung saan sinaway nila ang road manager at make-up artist sa mga ibinabahagi ng mga ito na cryptic post dahil maari umano itong ikasira ng pangalan ni Dominic Roque.


Kaya naman, kung maaari umano ay huwag na lamang magbahagi ng kung ano-anong cryptic post habang mainit pa ang usapin patungkol sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang sinisisi si Bea Alonzo sa nangyaring failed relationship nila ni Dominic Roque dahil hindi naman umano bago sa aktres na biglang iwan na lamang ng mga nakakarelasyon.


May mga nagsasabi pa itong si Bea Alonzo ang nag-iinarte kaya hindi natuloy ang pagpaplano nila ng kasal ni Dominic Roque. Marami rin ang dismayado kay Bea Alonzo dahil sa pagpapapirma nito ng prenuptial agreement kay Dominic Roque.


Komento pa ng isang netizen, masyado namang mataas ang tingin ng mga tao kay Bea Alonzo dahil mayroon siyang mga lupain. Ipinunto pa nito na kahit anong yaman ng aktres kung may something sa kanyang character hindi pa rin pakakasalan kahit pa makatagpo siya ng lalaking mas mayaman pa rito.


Hindi naman nakapagpigil ang isang kaibigan ni Bea Alonzo na si Beatrice Saw sa komentong ito ng netizen, iginiit niyang walang something sa kanyang karakter si Bea Alonzo.


Hindi naman lingid sa kaalaman ngayon ng lahat na nakakatanggap ng pambabatikos si Bea Alonzo mula sa mga netizens dahil sa hiwalayan nila ni Dominic Roque.


Isa sa mga dahilan nito ay ang mga nakaraang failed relationship ni Bea Alonzo na hindi naitago sa mata ng publiko dahil sa trabaho nito sa showbiz.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo