Xian Lim Nagsalita Na Matapos Ang Breakup Announcement Nila Ni Kim Chiu

Martes, Enero 9, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Xian Lim matapos ang break up nila ni Kim Chiu.


Halatang umiiwas ang Kapuso actor na si Xian Lim na mapag-usapan sa kamakailang launching ng teleseryeng pinagbibidahan nila ni Jenylyn Mercado, ang patungkol sa naging hiwalayan nila ng Kapamilya actress na si Kim Chiu.


Matatandaan na nitong December 23, 2023, tuluyan ng winakasan nina Kim Chiu at Xian Lim ang isyu ng kanilang hiwalayan matapos ang ilang buwan nilang pananahimik. Hayagang inamin nina Xian at Kim na winakasan na nila ang kanilang 12 years long relationship sa hindi isiniwalat na dahilan.


Samantala, naging matipid naman ang mga sagot ni Xian Lim sa mga katanungan sa kanya ng press sa naganap na launching ng teleserye nila ni Jenylyn Mercado na Love, Die, Repeat.


Kinamusta rin ng ilan mga press people si Xian Lim kung kumusta na nga ba siya ngayon matapos ang hiwalayan nila ng kanyang longtime girlfriend. Ayon naman kay Xian Lim na maayos naman siya ngayon at dapat naman talaga siyang maging okay.


Naitanong din nila sa aktor, base sa pamagat ng kanilang teleserye na Love, Die, Repeat, kung naniniwala ba siya sa mga nakaraang relasyon na maaring ma-ulit.


Agad naman itong sinagot ni Xian Lim na naniniwala siya na lahat ng mga nangyayari sa ay mayroong reasons kaya naman kung maulit man umano o hindi ang kanilang relasyon ni Kim Chiu ay naniniwala pa rin siya na everythings happens for a reasons.


Tanging magagawa na lamang umano niya ngayon ay ang magmove forward at tingnan na lamang ang mangyayari sa hinaharap.


Sa ngayon ay nakafocus na lamang umano si Xian Lim sa kanyang showbiz career para na rin malimutan niya ang sakit na dulot ng pagtatapos ng matagal nilang relasyon ni Kim Chiu.


Sa kabilang banda ay hindi pa rin naglalabas ng pahayag si Kim Chiu patungkol sa naging relasyon nila ni Xian Lim. Inaasahan naman ng kanyang mga tagahanga na hindi na mag-aaksaya pa ng oras si Kim Chiu sa pagbibigay ng saloobin patungkol kay Xian Lim.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo