Sunshine Cruz Hindi Nagustuhan Ang Pagpapalayas Ni Diego Loyzaga Sa Kanyang Asawa at Anak!

Martes, Enero 9, 2024

/ by Lovely


 Ikinagulat ng maraming mga netizens ang isiniwalat ni Alexis Suapenco, nagpakilalang ina ng anak ni Diego Loyzaga, na umano'y pinalayas siya kasama ang anak ng aktor sa pamamahay nito para magpunta na roon ang babaeng karelasyon nito ngayon.


Kamakailan lamang ay isiniwalat ni Alexis Suapengco sa pamamagitan ng kanyang social media post ang pagpapalayas umano sa kanila ng kanilang anak ni Diego Loyzaga sa pamamahay nito.


Ayon pa sa caption ni Alexis sa kanyang social media post na kaya nagawa ni Diego Loyzaga na palayasin sila ng kanilang anak sa bahay nito dahil balak na ng aktor na itira roon ang panibagong babae nito na si Cecile Mendoza.


Bukod pa rito, pinagbantaan din umano siya ni Diego Loyzaga sa hindi pagsuporta sa kanilang anak sakaling ipagkalat niya ang ginawang paglalayas nito sa kanila.


Gayunpaman, isiniwalat pa rin ni Alexis Suapengco ang ginawa ng aktor sa kanila ng anak nito.


Marami naman ang nagulat sa ginawang ito ng aktor dahil nakilala siya sa showbiz bilang isang marespeto at mabait pagdating sa mga babae. Matatandaan pa na marami ang kinilig sa mga ginawa noon ni Diego Loyzaga para sa dating kasintahan na si Barbie Imperial.


Samantala, dahil sa pagviral ngayon sa mga isiniwalat ng dating kinakasama ni Diego Loyzaga, binalikan ng ilang mga netizens ang pananakit noon ng ama nitong si Cesar Montano sa dating asawa na si Sunshine Cruz.


Ayon naman sa ilang mga netizens na ang namana pala ni Diego Loyzaga sa kanyang ama ay ang pagiging babaero nito at ang pagiging mapanakit nila sa babae.


Sa kabilang banda, nagbigay naman umano ng pahayag si Sunshine Cruz patungkol sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Diego Loyzaga, isa sa mga anak ng dati niyang asawa.


Ayon sa aktres, naalala umano niya noon si Cesar Montano kay Diego Loyzaga ngayon. Ganito rin umano ang attitude noon ni Cesar Montano kaya humantong sila sa hiwalayan.


Matatandaan pa na dinemanda ni Sunshine Cruz si Cesar Montano noon dahil sa pagiging mapanakit nito sa kanya.


Samantala, hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Dego Loyzaga hinggil sa mga paratang sa kanya ng dating kinakasama na si Alexis Suapengco kabilang na ang kanyang pagbabanta na talikuran ang responsibilidad sa kanilang anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo