Paolo Contis Napahiya, Sumuko Rin sa Pamagat Na Eat Bulaga, May Nilinaw Sa Isyung Papalit Sa Kanila ang Showtime

Lunes, Enero 8, 2024

/ by Lovely


 Naagbigay ng pahayag ang aktor na si Paolo Contis hinggil sa panibagong titulo ng kanilang show na Tahanang Pinakamasaya.


Nagmula umano ang kanilang panibagong pamagat sa kanilang jingle, ang magbigay ng saya, Tahanang Pinasaya.


Ayon pa kay Paolo Contis na angkop lamang ito dahil ang layunin naman nila ay ang makapagbigay ng saya sa kanilang mga manonood at sa mga sumusuporta pa rin sa kanilang programa sa kabila ng lahat.


Dagdag pa ni Paolo Contis na kahit ano man ang pagdaanan nila ay tuloy-tuloy pa rin sila sa pagbibigay ng saya at papremyo para sa kanilang mga tagasubaybay.


Samantala, hindi naman idinetalye ni Paolo Contis kung matagal na ba nilang pinaghandaan ang pamagat na ipinalit nila sa Eat Bulaga.


Matatandaan na kamakailan lamang ay tila nanindigan pa si Paolo Contis at ang TAPE Inc, na hindi pa umano natatapos ang laban sa pagitan nila at ng TVJ, na may kaugnayan sa pamagat ng kanilang show, subalit wala na silang nagawa ng mismo ang korte na ang nag-utos sa kanila na magpalit ng pangalan.


Sa kabilang banda, aminado naman sila na nagulat sila sa inilabas na desisyon ng korte dahil wala naman umano silang natanggap na kopya ng desisyon nabigla na lamang umano sila ng mabasa sa official social media account ang inilabas na desisyon ng korte.


Gayunpaman, agad nila itong sinunod at pinalitan na lamang ang titulo ng kanilang show.


Nilinaw naman, din ng kampo ng Tahanang Pinakamasaya na wala umanong katotohanan ang mga isyu na nagsialisan ang kanilang mga advertisers mula ng matalo sa korte ang kanilang show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo