Xian Lim, Nabuking Sa Ginawa Kay Kim Chiu

Lunes, Enero 8, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay marami pa rin ang naguguluhan at napapatanong sa kung ano ang totoong dahilan ng pagwawakas ng relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim na nagtagal din sa loob ng mahigit 12 taon.


Marami kasi ang napapatanong dahil sa pananahimik ng dalawang kampo na tila ba ay maayos nilang winakasan ang lahat. Ang tanong kung ano ang naging sanhi upang tuldukan nila ang lahat at manahimik na lamang bigla pagkatapos.


Samantala, dahil sa patuloy na pananahimik ng dalawa, marami ang mga naglabasan ngayong mga spekulasyon patungkol sa totooong nangyari. May mga naghinala na magiging malaking pasabog ang pagbibigay ng pahayag ni Kim Chiu hinggil sa totoong dahilan kung saan maari pa umano itong ikasira sa showbiz career ng aktor.


May mga naglabasan ring mga hakahaka na umano'y nahuli ni Kim Chiu si Xian Lim na may ginagawang hindi katanggap-tanggap kaya naman nagwakas ang kanilang relasyon.


Matatandaan na nauna nang isiniwalat noon ni Xian Gaza na may source siyang nagsiwalat na third party diumano talaga ang dahilan ng hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Ayon sa source ni Xian Gaza, nalaman umano ni Kim Chiu na matagal nang may ibinabahay si Xian Lim lingid sa kanyang kaalaman. May ka-live na pala umano itong si Xian Lim kahit hindi pa sila naghiwalay ni Kim Chiu.


Kung totoo man ang isiniwalat ng source ni Xian Gaza, tiyak na labis na nasaktan si Kim Chiu sa ginawa ni Xian Lim dahil umasa rin ang aktres na siya ang magiging misis ng aktor.


May mga nagsasabi pa baka ito ang dahilan kung bakit hindi nagawa ni Xian Lim na magpropose kay Kim Chiu dahil may iba pala itong babae.


Samantala, hindi naman ipinapakita ni Kim Chiu ang naging epekto sa kanya ng hiwalayan nila ni Xian Lim. Marahil ay nakatulong na rin sa aktres ang pagkakaroon niya ng sunod-sunod na proyekto para hindi na niya maisip ang lungkot na idinulot ni Xian Lim.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo