Tunay Na Dahilan Ng Pag-Bitaw Ni Ai Ai Delas Alas Kay Jiro Manio

Lunes, Enero 8, 2024

/ by Lovely


 Muling nakita ng publiko ang dating child star na si Jiro Manio matapos na lumabas ito sa YouTube vlog ni Boss Toyo sa Pinoy Pawnstars.


Nagpunta sa tindahan ni Boss Toyo si Jiro Manio, kilalang child star upang ibenta ang natanggpap niyang parangal noong 2004, bilang Best Child Actor ng Gawad Urian sa kanyang pagganap sa Magnefico.


Marami ang napahanga sa aktor noon dahil siya lang naman ang pinakabatang aktor na nabigyan ng nasabing parangal sa edad na 12 taong gulang.


Sinubukan ni Jiro Manio na ibenta sa halagang 500, 000 ang kanyang Gawad Urian trophy subalit tinawaran ito ni Boss Toyo hanggang sa nagkasundo sila sa halagang 75, 000 pesos.


Samantala, agad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang ginawang pagbebenta ni Jiro Manio sa natanggap niyang award noong kasasagsagan ng kanyang kasikatan.


Marami ang nagsasabi na parang gipit na gipit umano ngayon si Jiro Manio kaya naman nagawa na lamang nitong ibenta ang natanggap niyang award.


Matatandaan, na noong 2015 ay nakitang pagala-gala si Jiro Manio sa NAIA terminal 3, matapos ang ilang taong pagkawala nito sa showbiz. Napag-alaman na nalulong si Jiro Manio sa ipinagbabawal na gamot na naging dahilan ng pagkasira sa kanyang buhay.


Kaagad namang nagpaabot sa kanya ng tulong ang dating nanay-nanayan niya sa showbiz na si Ai-Ai Delas Alas. Ang komedyante ang naging dahilan upang makapagrehab si Jiro Manio.


Nakalabas naman ito noong 2017 sa rehab subalit dahil sa pag-aalala ni Ai-Ai Delas Alas ay pinabalik niya ito sa rehab.


Taong 2020, naaresto naman si Jiro Manio sa kasong frustrated homicide doon na inamin ni Ai-Ai Delas Alas na suko na siya sa pagtulong sa dating aktor.


Nadawit din kasi ang pangalan ni Ai-Ai Delas Alas sa kasong kinaharap ni Jiro Manio noon dahil siya ang nag-alaga sa aktor sa loob ng rehab.


Kaagad naman itong nilinaw ni Ai-Ai Delas Alas kung saan iginiit niya na matagal na silang walang kominikasyon ni Jiro Manio. Pinutol na umano niya ang ugnayan nilang dalawa nang mapag-alamang patuloy pa rin itong nabibisyo sa tuwing nakakalabas sa rehab center.


Si Jiro Manio din umano ang pumiling umalis sa pangalawang rehab center na pinagdalhan sa kanya ni Ai-Ai Delas Alas.


Sa kabila ng pagtigil ni Ai-Ai Delas Alas sa pagtulong kay Jiro Manio ay hindi naman umano sumama ang loob nito kay Ai-Ai Delas Alas dahil malaki umano ang naitulong nito sa kanya at itinuring na rin umano niya ito bilang pangalawang ina kahit pa wala na silang komunikasyon sa ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo