Xian Gaza Dinepensahan Si Diego Loyzaga, Hindi Daw Totoo Lahat Ng Bintang Ng Ina ng Kanyang Anak

Martes, Enero 9, 2024

/ by Lovely


 Kaagad na naglabas ng saloobin ang self proclaimed Pambansang Matites na si Xian Gaza patungkol sa mga isiniwalat ng nagpakilalang ina ng anak ni Diego Loyzaga na si Alexis Suapengco.


Matatandaan na ginulat ni Alexis Suapenco ang mga netizens sa kanyang biglaang paglantad kasama ang pasabog patungkol sa relasyon nila ng ama umano ng kanyang anak na si Diego Loyzaga.


Ayon sa inilabas na pahayag ni Alexis Suapengco, pinalayas umano siya ng ama ng kanyang anak na si Diego Loyzaga upang makisama na ito sa bagong babae na tinag pa niya sa kanyang post. 


Bukod pa rito, isiniwalat din ni Alexis ang pagbabanta umano sa kanya ni Diego Loyzaga na itigil nito ang pagsusustento sa kanilang anak sakaling isiwalat niya sa publiko ang pagpapalayas nito sa kanila ng bata.


Subalit, kaagad namang pinabulaanan ng isang kilalang marites sa showbiz na si Xian Gaza ang lahat ng mga ipinagbibintang ni Alexis Suapengco kay Diego Loyzaga.


Sa kanyang Facebook post, hindi umano totoo ang lahat ng nababasa sa social media patungkol kay Diego Loyzaga. Ipinagdidiinan pa niya na totoo ang kanyang sinasabi dahil may resibo umano siyang makakapagpatunay nito. Itataya din umano niya ang kanyang pangalan at kredibilidad sa impormasyong ito.


Ayon pa kay Xian Gaza, nagawa umano ang paninirang ito laban kay Diego Loyzaga ng isang nagseselos na may mental health issue. Ipinahayag pa ni Xian Gaza na paano sila papalayasin ni Diego Loyzaga sa pamamahay nito kung hindi naman ito nakatira sa bahay nila ni Diego sa simula pa lamang.


Ang katotohanan umano ayon kay Xian Gaza ay sa magulang na nakatira si Alexis kasama ang anak nila ni Diego Loyzaga, subalit maayos naman umano ang co-parenting set up nilang dalawa. Nahihiram pa umano ni Diego ang bata.


Hindi naman umano alam ni Xian Gaza kung bakit nagagawa ni Alexis Suapengco na siraan si Diego Loyzaga sa publiko at kung bakit naglalayon ang babae na masira ang showbiz career ng aktor.


Hiling na lamang ni Xian Gaza na sana ay itigil na ng mga netizens ang isyu patungkol kay Diego Loyzaga dahil wala naman umanong katotohanan ang mga ito at pawang paninira lamang.


Nagbanta pa si Xian Gaza na maglalabas siya ng mga resibong magdidiin kay Alexis Suapengco sakaling hindi pa ito titigil sa paninira kay Diego.


Marami naman sa mga netizens ang naniniwala kay Xian Gaza dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kilala ni Xian Gaza in person si Diego Loyzaga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo