Reaksyon Ni Sarah Lahbati Matapos Kumalat Ang Video Ni Richard Gutierrez Kasama Si Barbie Imperial!

Martes, Enero 9, 2024

/ by Lovely


 Tila napuno na ang aktres na si Sarah Lahbati sa mga ginagawa ng kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez matapos kumalat sa iba't-ibang mga social media platform at nai-publish sa ilang mga entertainment websites ang patungkol sa video nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na masayang nag-iinuman sa isang resto.


Kuha ang nasabing video sa isang madilim na sulok ng Tipsy Pig Resto-Bar sa Alabang kung saan makikita sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na magkadikit na magkadikit kahit malaki pa naman ang espasyo sa mga gilid nito.


Dahil dito, tila napuno na si Sarah Lahbati at tuluyan na niyang tinanggal ang apelyidong Gutierrez sa kanyang social media account.


Nitong martes, January 9, 2024 napansin ng mga netizens na tuluyan nang tinanggal ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram bio ang initial na G na ibig sabihin ay Gutierrez.


Matatandaan na nitong December 2023, matapos pumutok ang balitang naghiwalay na sila ni Richard Gutierrez ay binago ni Sarah Lahbati ang kanyang Instagram name mula sa Sarah Lahbati Gutierrez sa SLG na sumisimbolo pa rin sa initial ng kanyang pangalan na dala ang apelyido ng kanyang mister.


Ibig sabihin ay nirerespeto pa rin ni Sarah Lahbati ang kasal nila ni Richard Gutierrez sa kabila ng bali-balitang nasa proseso na ang kanilang annulment. Naging biglaan din ang pagpapaiksi ni Sarah Lahbati sa kanyang buhok noon.


Subalit, matapos kumalat ang video nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial sa loob ng isang na magkadikit at tila close na close sa isa't-isa ay tuluyan nang tinanggal ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram bio ang surname ng kanyang asawa na Gutierrez.


Bukod pa rito ay in-unfollow na rin niya si Richard Gutierrez sa kanyang Instagram account kasama ang iba pang mga Gutierrez kabilang na sina Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez at ang kambal ng kanyang asawa na si Mond Gutierrez.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga nabanggit na Gutierrez ay ang malalapit noon kay Sarah Lahbati. Tila malaki talaga ang hinanakit ngayon ng aktres sa pamilya Gutierrez dala ng nangyari sa marriage life nila ni Richard.


Sa kabilang banda makikita naman na nanatiling naka follow parin ang lahat ng mga nabanggit na Gutierrez kay Sarah Lahbati.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo