Carmina Villaroel, Sinagot Ang Pagiging Pakialemera Sa Lovelife Ni Mavy

Martes, Enero 9, 2024

/ by Lovely


 Hindi napigilan na maging emosyunal ng batikang actress at TV-host na si Carmina Villaroel ng magbigay siya ng mensahe para sa kanyang kambal na anak na sina Cassy at Mavy Legaspi sa kanilang 23rd birthday sa programang Sarap Di 'Ba?


Bago ang pagbibigay ng emosyunal na mensahe ni Carmina sa kanyang mga anak ay nauna muna nilang napag-usapan ang patungkol sa mga lovelife ng mga ito.


Ayon kay Carmina, boto naman siya sa kahit sinong manliligaw at liligawan ng mga ito. Kung sino man umano ang magiging karelasyon ng mga ito in the future ay tatanggapin pa rin niya ang mga ito. Lalo na kung makikita umano niyang totoong marespeto ang mga ito at totoong sincere.


Hindi naman umano siya naghahanap ng perpektong tao subalit ang nais niya na makarelasyon ng kanyang mga anak ay iyong may respeto sa lahat ng tao.


Ayon pa kay Carmina Villaroel na nagiging mas maingat siya sa pagbibigay ng mensahe kay Mavy Legaspi dahil ayaw niyang bigyan na naman ng ibang kahulugan ng mga tao ang kanyang mensahe para sa kanyang anak. Ayaw na umano niyang mag-overthink.


Hindi naman umano niya alam kung bakit binabatikos siya ng ilang mga netizens na umano'y nakikialam siya sa lovelife ng kanyang mga anak. Subalit, ngayon ay wala na umano siyang pakialam dahil ina siya ng mga ito.


Naging makahulugan naman ang naging pahayag ni Carmina Villaroel na hinala ng marami na may kaugnayan sa hiwalayan kamakailan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Ayon kasi kay Carmina Villaroel na masaya siya na sa wakas ay nagbalik na sa dati ang kanyang mga anak. Kaya din umano niyang gawin ang lahat para sa mga ito at ipagtanggol ang mga ito sa kahit ano paman hanggang sa kaya niya.


Iginiit pa ni Carmina na hindi sila ni Zoren ang kontrabida sa buhay ng kanilang mga anak dahil ang nais lamang nila ay ang pinakamakakabuti sa mga ito.


Inamin rin ni Carmina Villaroel na sila ni Zoren ang unang nasasaktan sa tuwing nakakatanggap ng pambabatikos ang kanyang mga anak dahil hindi naman sila palaaway at peace loving naman sila pareho.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nakatanggap ng pambabatikos si Carmina Villaroel dahil inakusahan siyang konsintidor sa kanyang anak na si Mavy Legaspi matapos ang tila pagsuporta nito sa umano'y panloloko ni Mavy sa kanyang girlfriend na si Kyline Alcantara nang kumalat ang video ng mga ito kasama si Dasuri Choi.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo