Viral! Boss Toyo Nilabas Ng Resibong Si Kathryn Din Ang Owner Ng Sports Car Ni Daniel

Lunes, Enero 15, 2024

/ by Lovely


 Kaagad na umalma ang mga netizens at maging ang kampo ng aktres na si Kathryn Bernardo nang mapag-alaman na hindi lamang kay Daniel Padilla ang sportscar na ibinibenta nito na lumabas sa ilang mga market place sa Facebook.


Kamakailan lamang ay nagviral sa social media ang isang for sale na kotse na sinasabing kotse ni Daniel Padilla. Samantala, marami naman ang nagsasabing hindi lamang umano si Daniel Padilla ang nagmamay-ari sa nabing sportscar kundi maging ang aktres na si Kathryn Bernardo.


Sa kamakailang vlog na inilabas ng social media influencer na si Boss Toyo, sa Pinoy Pawnstars, lumapit sa kanila ang F2A Cars na siyang agent na nagbibenta ngayon sa kotse na pagmamay-ari hindi lamang ni Daniel Padilla kundi kay Kathryn Bernardo.


Hindi naman sinabi ng mga ahente ang dahilan ng pagbibenta ni Daniel Padilla sa nasabing kotse subalit base sa mga hawak nilang papeles ay hindi lamang si Daniel ang nagmamay-ari sa nasabing kotse.


Ibinebenta nila ang nasabing kotse sa halagang 6.5 million pesos, tinawaran naman ito ni Boss Toyo ng 5.5 million. Ang kaya lamang umano ni Boss Toyo ay 5.8 million, habang ang huling presyo naman ng mga agents ay nasa 6 million pesos.


Sa huli, hindi sila nagkasundo sa presyo at umalis na lamang ang mga agents.


Sa kabilang bansa, marami naman ang nagsasabi na tila nagiging scripted na umano ang lahat at balak na lamang umano nilang magpromote sa kani-kanilang mga negosyo at ginagamit na lamang umano nila ang kasikatan ng KathNiel lalo pa't sa gitna ito ng mainit na usapin patungkol sa hiwalayan ng dalawa.


"Nice Content Boss Toyo, nagiging scripted kana. give and take yan. para mapromote din yung Sportscar Company nung seller and may content si Boss Toyo," komento ng isang netizen.


Dagdag pa ng iba pa, "Nagiging scripted na tlga ang Pinoy Pawnstar 😂 and parang ung kay Cesar Montano lang last time nagpromote lng ng Moro Ami Dos"


"Scripted lng yan.. nag promote lng ng car shop yan 😅 marketing strategy 👌  hindi basta basta mag lalabas ng ganyan kalaking pera c boss toyo 😂 geng geng"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo