Banat Ni Annabelle Rama Hindi Pinalampas Ni Sarah Lahbati

Lunes, Enero 15, 2024

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin natatapos ang gulo sa pagitan ng mag-in law na sina Annabelle Rama at Sarah Lahbati dahil sa kamakailang pahayag ni Annabelle Rama na hindi naman pinalampas ni Sarah Lahbati.


Usap-usapan ngayon ang ibinahaging post ng kontroversial talent manager na si Annabelle Rama marami ang naghinala na patama na naman niya ito sa estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng video si Annabelle Rama sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang kanyang mga apo kay Richard Gutierrez na sina Zion at Kai na naglalaro sa swimming pool kasama ang kanilang ama na si Richard.


Ang mas pumukaw naman sa pansin ng mga netizens ay ang makahulugang caption ni Annabelle Rama sa kanyang post kung saan ipinunto niya kung gaano kasaya ang kanyang mga apo kasama ang ama ng mga ito.


Ayon naman sa ilang mga netizens, na tila ipinapalabas umano ni Annabelle Rama sa kanyang post na mas masaya ang kanyang mga apo sa piling nila at sa ama ng mga ito.


Samantala, tila hindi naman magawa ni Sarah Lahbati ang manahimik na lamang sa gitna ng pagpo-post na ito ni Annabelle Rama lalo pa't tila wala namang indikasyon na titigil na ito.


Sa isang Facebook post, tila sinagot ni Sarah Lahbati ang post ni Annabelle Rama kung saan binalaan niya ang kanyang mga followers na mag-ingat sa mga fake news na kumakalat ngayon sa social media. Kaya naman pinayuhan niya ang mga netizens na huwag kaagad maniwala sa anumang nababasa nila online.


Hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkakaroon ng lamat sa pagitan nina Annabelle Rama at Sarah Lahbati ng ipahayag ni Annabelle sa isang interview na nagwawaldas ng pera si Sarah Lahbati, perang pinaghirapan ng kanyang asawa na si Richard Gutierrez.


Hindi naman naglabas ng hayagang pahayag si Sarah Lahbati sa akusasyon sa kanya ng kanyang manugang, subalit tinawanan naman niya ang komento ng isang netizen na pinuna ang kanyang larawan na nagwawaldas ng pera.


Kasunod nito, samur't-saring intriga na ang naglabasan kabilang na ang pagpapa-DNA umano ni Richard sa bunsong anak nila ni Sarah Lahbati. Pagpunta ni Annabelle sa PDEA at ang umano'y relasyon nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial.


Sa kabila ng samu't-saring naglabasang intriga nanatiling tikom naman ang bibig ni Sarah Lahbati at Richard Gutierrez maliban na lamang sa pag-unfollow nila sa isa't-isa sa social media.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo