Kathryn Bernardo Nagsalita Na Ang Mga Naging Babae Ni Daniel Padilla

Lunes, Enero 15, 2024

/ by Lovely


 Nauna nang pinag-uusapan sa social media ang post ng kapatid ni Kathryn Bernardo patungkol sa isang quote na pinaghihinalaang patama sa dating nobyo ng kapatid na si Daniel Padilla.


Kalakip pa ng quote na alam umano nila ang ginagawa nito tuwing summer, ang mga taon na pinaghihinalaang nambababae si Daniel Padilla sa tuwing abala ang aktres sa kanyang showbiz engagements.


Dahil dito marami sa mga netizens ang naghahanap sa kung sino ang naging babae ni Daniel Padilla habang karelasyon din niya si Kathryn Bernardo base sa mga naging isyu noon at sa mga naglabasan na ring blind items.


May mga naglabasang pangalan ng mga babaeng sinasabing nakarelasyon noon ni Daniel Padilla, may ilan namang kaagad na tumanggi. Samantalang ang iba naman ay nananahimik na lamang sa isyu.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang hindi naniniwala sa involvement ng ilang personalidad dahil sa pagkakaroon nito ng karelasyon sa ibang lalaki.


Samantala, marami naman ang nakapansin sa pagla-like ni Kathryn Bernardo sa mga cryptic post patungkol sa mga cryptic na nilalagyan ngayon ng ibang kulay ng mga netizens.


Kabilang sa mga post na ito ang patungkol sa paulit-paulit na paggawa ng parehong pagkakamali ay nagiging desisyon na ng isa tao. May iba pang post na pinusuan ni Kathryn katulad na lamang ng pagpatol sa mga bata, na pinaghihinalaan naman ng marami na patungkol sa pagpatol ni Daniel Padilla kay Andrea Brillantes na mas bata ng ilang taon sa kanya.


Sa kabilang banda, dahil sa mainit na isyu ngayon sa pagitan ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na lalong pinalala sa pag-unfollow ng aktres sa aktor at pagkakadawit ng ilan pang mga showbiz personalities, namataan naman sa airport si Daniel Padilla.


Ayon naman sa ilang mga netizens na paalis umano ngayon ng bansa ang aktor para makaiwas sa isyu at para makapagbakasyon na rin.


Hiling pa ng ilang mga netizens na sana sa pagbalik ni Daniel Padilla ay nakamove on na ito sa nangyari sa kanila ni Kathryn Bernardo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo