Video Ng Pag-Iwas Ni Kathryn Bernardo Kay Daniel Padilla Sa Wedding Ni Robi Domingo

Lunes, Enero 8, 2024

/ by Lovely


 Viral at pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga video clips na kuha mula sa kasal ng aktor na si Robi Domingo, kung saan makikita ang diumanoy pag-iwas ni Kathryn Bernardo sa kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla na tila nangungulit na naman sa aktres.


Ayon pa sa mga nakakakita, habol ng habol umano si Daniel Padilla at pilit na inaalalayan ang aktres habang ang huli naman ay halatado na umanong umiiwas at tila naasiwa na sa mga pinaggagawa ni Daniel Padilla.


Sa isang video makikita ang pag-alalay ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo habang palabas ito sa simbahan, hawak-hawak ni Daniel Padilla ang baraso ni Kathryn Bernardo habang hinihintay nila ang sasakyan ng aktres.


Nang dumating na ang sasakyan at sinabihan na ni Kathryn si Daniel na bumitaw na sa kanya dahil nandyan na ang kanyang sasakyan, bagama't maayos naman ang pagkakasabi ng aktres makikita naman sa mukha nito na tila naasiwa na siya sa mga ginagawa ni Daniel Padilla.


Kasama sa entourage si Kathryn Bernardo sa kasal ni Robi Domingo dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na siya ang pinakamalapit na kaibigan ng ikinasal, habang si Daniel Padilla naman ay dumalo sa kasal bilang invited guest.


Bukod sa video ng pag-alalay ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo palabas ng simbahan, makikita rin sa isa pang video ang pangungulit ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa loob ng simbahan, kahit hindi pa naman natatapos ang kasal nina Robi Domingo.


Nakayuko si Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo habang kinakausap nito ang aktres, kapansin-pansin din ang hindi pag-usog ni Kathryn Bernardo para makatabi si Daniel Padilla kaya naman tumawag na ito ng pansin sa mga taong naroon sa intimate wedding nina Robi Domingo at Maki Pineda.


Sa kabilang banda, may mga nakakita rin na umano'y mag-isa lamang si Kathryn Bernardo nung dumating ito sa venue kasal nina Robi Domingo hindi rin niyaya ni Kathryn si Daniel Padilla na sumabay na lamang sa kanya sa sasakyan paalis sa simbahan papunta sa wedding reception.


Dahil sa mga kumakalat na video, mahihinuha na hanggang sa kasal ni Robi Domingo ay sinusuyo pa rin ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo subalit tila ang aktres na rin ang umiiwas sa kanya.




@user40883111606718 #kath #kathrynbernardo #kathniel #danielpadilla #kathnieltoday #kathnielbreakup #kathdin #foryou #fyp @Lebern #CapCut ♬ original sound - Lebern

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo