Isko Moreno Humingi Ng Pasensya Sa TVJ Matapos Mabanggit Ang Eat Bulaga Sa Tahanang Pinakamasaya

Lunes, Enero 8, 2024

/ by Lovely


 Kaagad na humingi ng paumanhin ang TV-host na si Isko Moreno sa TVJ ng mabanggit niya ang pamagat na 'Eat Bulaga' sa kanilang noontime show na binago na ang pangalan bilang Tahanang Pinakamasaya.


Habang pinopromote nina Isko Moreno at Buboy Villar ang kanilang segment na G sa Gedli, aksidenteng nabanggit ni Isko Moreno ang pamagat na Eat Bulaga na b=naging titulo rin sa kanilang show sa loob ng ilang buwan, na ngayon ay ginagamit na ng TVJ.


Ayon pa kay Isko Moreno na tao lamang siya at nagkakamali rin. Ipinahayag naman ni Buboy Villar na masasanay rin sila sa kanilang bagong pamagat ng kanilang show.


Samantala, naiintindihan naman ng ilang legit dabarkads ang pagkakamali na ito ni Isko Moreno. Ayon sa kanila hindi naman umano kasalanan ng mga host ng TAPE Incorporated na magkamali sa pagbanggit ng kanilang titulo lalo na't matagal-tagal rin nilang ginamit ang titulong Eat Bulaga at nasanay na rin sila doon.


Marami rin ang pumuri kay Isko Moreno sa agaran niyang paghingi ng paumanhin sa TVJ nang magkamali siya sa titulo ng show, hiling pa ng ilan na sana maging ang TAPE Incorporated ay magpakita na rin sa kanilang paggalang sa TVJ na totoong nagmamay-ari sa titulong Eat Bulaga.


Sa ngayon ay ginagamit na ng TVJ sa kanilang show sa TV5 ang titulong Eat Bulaga matapos ibasura ng IPO ang apela ng Tape Incorporated hinggil sa desisyon ng nasabing ahensya na kanselahan ang hawak nilang trademark registration sa titulong Eat Bulaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo