Video Ng Landian Ni Richard Gutierrez at Barbie Imperial Sa Tipsy Pig Resto Sa Alabang

Lunes, Enero 8, 2024

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa iba't-ibang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang CCTV footage kung saan makikia ang diumano'y landian nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial sa isang Resto sa Alabang.


Makikita sa nasabing CCTV footage sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na magkadikit na magkadikit at tila hindi mapaghihiwalay kahit makikita naman na marami pang mga bakanteng upuan. May mga nakakita pa umano na magkasabay na dumating ang dalawa sa nasabing video.


Ayon sa mga witnesses, nag-iinuman sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial kasama ang malalapit nilang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Jenny Quizon, asawa ni Vandolph Quizon.


Kapansin-pansin umano ang pagiging magkadikit nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na tila ba'y may something na umano sa kanila dahil sa ipinapakita nilang closeness. Bukod pa rito, marami rin ang nakakita na magkasabay rin umalis ang dalawa nang madaling araw.


May mga kumakalat ring conversation sa pagitan ng isang nakakita at kaibigan nito kung saan sinabing sa tuwing magbabanyo si Barbie Imperial ay sinasamahan pa rin ito ni Richard Gutierrez para magbantay sa pinto.


Samantala, marami ang nagsasabi na tila nagbubuhay binata na umano ngayon si Richard Gutierrez. Panay gala at party umano nito na tila ba nakawala sa matagal na pagkakakulong at pagkakatali kay Sarah Lahbati.


Nauna na ring nalink si Richard Gutierrez sa Kapuso actress na si Kazel Kinouchi gayunpaman, tila hindi pa rin umano nagtino si Richard Gutierrez at patuloy pa ring lumalabas kasama ang ibang mga babae.


Marami naman sa mga netizens ang nagtataka kung paano naging ganoon ka close sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez.


Sa ngayon ay lalong nadismaya ang ilang mga netizens dahil sa pilit umanong paglilinis ni Annabelle Rama sa pangalan ng kanyang anak kung saan tila pinipilit umano nito na si Sarah Lahbati ang masisisi sa nangyaring hiwalayan sa pagitan nilang dalawa, subalit ang katotohanan naman pala ay ang anak lamang nito ang nagloloko.


Sa kabilang banda, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nalink sa isang hunk actor si Barbie Imperial, matatandaan na lumabas rin ang mga ulat noon na umanong nagkakamabutihan na sina Barbie Imperial at Gerald Anderson habang pinopromote nila sa ibang bansa ang project na pinagsamahan nila.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez hinggil sa kumakalat na CCTV footage at mga videos.


@tictalk4u Unang Tsismis Ngayong 2024 #barbieimperial #richardgutierrez #sarahlabahti #fyppppppppppppppppppppppp ♬ MOVE YO BODY - sped up - Bryansanon

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo